Advertisers

Advertisers

Kim marami ang galit, gigil na makulong

0 10

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NAGULAT si Kim Chiu sa ipinost ng kilalang social media personality na si Darla Sauler sa kanyang X account.
Sa tweet kasi ni Darla, ipinakita niya ang litrato ni Kim na nakasuot ng orange gown habang nakatayo sa likod ng rehas.
Sey pa nito, bet daw niyang makita si Kim o si Juliana na makulong.
Tulad kasi ni Darren Espanto at iba pang netizens, kinamumuhian nila ang karakter ni Kim sa toprating series na “Linlang.”
Reaksyon naman ni Kim sa nasabing post: “Hala! Grabehan na this!!!???”.
Marami namang tagasubaybay ng serye ang agree na dapat ay mabigyan ng leksyon si Juliana (Kim’s character) sa panloloko nito kay Victor (Paulo Avelino) at pakikiapid kay Alex (JM de Guzman).
May mga pumuri naman sa pagiging effective ni Kim sa kanyang bida-kontrabida role.
May nagtatanggol din sa karakter nito na hindi naman talaga masama kundi naghahanap lang umano ng pagmamahal.
***
Golden Lion winner opening film sa QCinema11
KAABANG-abang ang ika-11 edisyon ng QCinema International Film Festival na gaganapin mula Nobyembre 19 hanggang 27 sa mga piling sinehan sa Kalakhang Maynila.
No less than the Golden Lion winner sa Venice Film Festival na “ Poor Things” ang magiging opening film.
Tampok si Emma Stone, ito ay idinirehe ng acclaimed Greek director na si Yorgos Lanthimos na ang obrang “Killing of a Sacred Deer” ay napanood noong 2018.
Closing film naman ng festival ang “The Breaking Ice” ni Anthony Chen na kalahok ng Singapore sa 2024 Academy Awards sa kategoryang best international feature film.
Si Chen din ang director ng pelikulang “Iloilo” na pinagbidahan noon ni Angeli Bayani.