Advertisers
Ni BETH GELENA
GINAWAN na naman ng isyu ang gender ni Piolo Pascual dahil sa trending dance video nila ni Darren Espanto.
Nagbigay ng komento si Ogie Diaz tungkol dito.
Maraming netizens ang nag-react at nabigyan umano ng malisya ang pagsasayaw ng dalawa kahit marami silang nagsasayaw sa dance floor.
Ani Ogie, hindi dapat pag-isipan ng masama o lagyan ng malisya ang pagsasayaw nina Papa P at Darren dahil nagkakasayahan ang mga ito.
“Itong si Darren Espanto at si Papa P. porke natitigan lang ni Papa P si Darren Espanto habang sila ay nagsasayaw… Tapos ayan, binigyan na ng malisya na para raw sa tingin nila e may something,” ani Ogie sa kanilang Showbiz Update Channel.
Dagdag pa niya, “Sa akin parang ano ‘yan e. Parang anak-anakan nalang ‘yan ni Papa P. Si Kyle Echarri nga meron silang movie e. Ibig sabihin ‘pag inakbayan ko yung isang artistang gwapo na lalake ay may pagtatangi na ako. Di ba pwedeng anak-anakan lang?”
Paalala pa niya, wala umano dapat isipin na masama o malisya sa pagsasayaw ng dalawa lalo na’t halos kaedad na lamang ng anak ng actor na si Iñigo ang naiintriga sa aktor.
Visible na.naman kasi si Papa P.
After niyang magbalik teatro sa Ibarra ay tatlong movie agad ang nagawa niya.
Katunayan may entry siya sa Metro Manila Film Festival sa darating na Kapaskuhan, ang Mallari.
***
NAGKARON ng reunion ang mag-BFF na sina Boy Abunda at Kris Aquino.
Saktong birthday ni Kuya Boy at sa aming pagkakaalam every year ay sa US nagse-celebrate ang King of.Talk ng kanyang kaarawan.
Tuwang-tuwa ang Queen of All Media sa reunion nila ng King of Talk
Post ni Tetay sa kanyang IG acccount: ABANGAN! “Seriously it was a heartwarming reunion. Boy freaked because i needed a shot while he was here.”
Sakto kasi sa pagdalaw ni Kuya Boy ay schedula ni Kris ng kanyang injection.
Aniya: “And he really hates needles. Nagkwento pa lang ako ng pinagdadaanan kong mga treatment at yung at least 18 pieces of vitamins, supplements, as well as medicine to help prevent my migraines and protect my liver because of my chemotherapy and of course my antihistamines… parang the whole 3 hours Boy was here he was stopping himself from crying pero bumigay din sya talaga.
Humingi naman ng paumanhin kay Jessica Soho. “And with my sincerest apology to @km_jessica_soho who is also in town, and had asked if it was possible to give her an interview- it was all impromptu using just my iPhone with @markleviste being our cameraman & bimb asking the questions.”
Kahit may karamdaman ay lumabas pa rin ang pagkataklesa ni Krissy na ang komisyon na natatanggap ng TV host sa kanya ay kanyang binulgar.
“Boy never asked for anything pero sa laki ng utang na loob namin sa kanya, (the entire time he managed me for my endorsements as long as it was with my sons his commission was only from my 50%, buong buo for my 2 yung talent fee- lugi nga ako kasi yung 32-35% na tax sagot ko, bilin yun ng mom) binigay ko ng buong buo yung medyo naputol ng ilang beses na footage. Hindi namin pwedeng pagalitan dahil hindi naman sya DOP.”
Pinasalamatan din ni Kris si VG Mark Leviste.
“Maraming salamat sa mga Batangueño sa pagpapahiram ng inyong vice governor. But in a few days babalik na sya sa << at sa Pasko, kasama ng 3 anak nya na kaming lahat magsasama. (Christmas is also his birthday.)
Hindi naman nakalimutan ng TV host/actress si Kuya Boy sa kaarawan.
“Happy Birthday (Oct 29) to the keeper of all my secrets, the one who assured me that come what may he’ll be there for my sons, and the friend who until now fights my battles with me. To my other brother, i love you completely. #lovelovelove”
Komento ng netizens: “Nakaka-miss din sila panuorin, infairness. Nakakamiss yung ingay nilang dalawa.”
“Honestly, nakakaiyak din ang situation ni Kris being sick for a very long time. Hindi po biro at mahirap kapag katawan mo ang kinakalaban. Hayaan na din lovelife o wala sa kanya, kasi open book naman siya since day one!”
“Yung limpak limpak nga ang kinikita nya dati pero sa health issues later on lang pala maubos yun. Although I’m pretty sure she still has plenty left.”
‘Kris lived a good, comfortable and meaningful life, ganyan talaga ang buhay, how old is she? 52? Now enjoy every moment na lang”
“which is a blessing kasi kung hindi siya nagtrabaho ng todo-todo at kumita ng malaki she might not have been able to turn her back on showbizness and get the medical treatment that she needed. At the end of the day her earnings were put to good use, it prolonged/prolongs her life.”
“Siguradong may health insurance siya pero mahal pa rin ang monthly premium at co-pays noon. Pero sobra talagang hirap ng may sakit. 52 years old is still very young.”
“Secondary na lang un financial. May mga Chowking yan. Other businesses. Ang masaklap sa kanya un sakit at hirap ng katawan niya dahil sa sakit niya”.