Advertisers
TINAPOS ng Philippine para chess team ang kanilang kampanya sa 4th Asian Para Games sa hangzhou, China, na may limang gintong medalya.
Nahablot ni Philippine national master Darry Bernardo ang gold medal sa men’s individual rapid VI (visual impairment) B2/B3 event Huwebes, habang si Gayuh Sastrio ng Indonesia ang nakakuha ng silver medal at Kishan Gangolli napunta ang bronze.
Matapos magwagi ng gold sa team standard VI-B2/B3 event kasama ang kapwa gold medalist Menandro Redor at Arman Subaste, ang trio ay muling nagwagi ng gold sa men’s team rapid VI-B2/B3 event Sabado.Ang Indonesian at Indian teams ang nakakuha ng silver at bronze medals,ayon sa pagkakasunod.
Nasungkit ni Henry Roger Lopez ang kanyang ikatlong medal sa Para Asiad na nagwagi ng gold sa men’s individual rapid P1 event, habang si Abolfazl Aski ng Iran nagtapos sa silver at Indonesia’s Tirto ang bronze. Lopez nagwagi ng 2 silver medals sa men’s individual standard P1 at ang men’s team standard personal impairment (PI) Huwebes.
Matapos magwagi ng silver Huwebes sa team standard PI, natimbog rin ni Lopez ang isa pang gold sa team standard P1, kasama si International Chess Federation (FIDE) Master Sander Severino at Arena Grand Master Jasper Rom. Iran nagwagi ng silver,habang ang Indonesian nakuha ang bronze.
Samantala, Cheyzer Mendoza nasungkit ang kanyang ikalawang gold medal sa Asian Para Games matapos magtagumpay sa women’s individual rapid event, kasama ang Indonesian Lilis Herna Yulia at Nasip Farta Simanja ang nakakuha ng silver at bronze,ayon sa pagkakasunod.
Sa ngayon ang Pilipinas ay mayroon ng 10 gold,four silver at five bronze sa ngayong edition ng Asian para Games.