St. Benilde wagi vs UST sa Shakeys Super League quarterfinal
Advertisers
PINARUSAHAN ng NCAA champion College of St.Benilde ang University of Santo Tomas sa five sets para ipuwersa ang deciding game sa Shakeys Super League Collegiate Pre- Season Championship quarterfinal Sabado.
Nakarekober ang lady Blazers mula sa one-set deficit upag idispatsa ang Tigresses,25-22,23-25,18-25,25-23,15-11 sa Rizal Memorial Colesium sa Manila.
Ang third-seeded Lady Blazers ay nakakuha ng 18 puntos kay Wielyn Estoque, Habang si Gayle Pascual (16) at Zamantha Nolasco 13.
Ang Game 2 ay nakatakda sa Sabado. Ang papalarin ay makakabangga ang Far Eastern University, na winalis ang Ateneo Blue Eagles,25-19,25-18,25-18 sa sariling quarterfinal series.
“Lagi naman nating pipiliting manalo. Iba ‘yung game natin noon. May pinanggalingan tayo or kung ano mang sitwasyon noon but this time, nakapag-rest tayo at nakapag-prepare,” Wika ni CSB coach Jerry Yee.
“We’re able to put up a fight kahit paano,” dagdag pa nya.
Ang Lady Blazers ay sumandal sa troika nina Estoque,Pascual at Nolasco sa fourth set at sumakay sa momentum ng kanilang panalo sa decider. Back-to-back quick hits ni Nolasco ang nagbigay sa CSB ng 8-5 lead, bago pumapel si Pascual para itulak ang kanilang advantage sa 5 points, 11-6.