Advertisers

Advertisers

Vico Sotto sa mga botante: Red flag kandidatong gumagastos ng ubod ng laki

0 2

Advertisers

NAGPAYO si Pasig City Mayor Vico Sotto sa mga botante sa parating na barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Ayon kay Sotto, kung hindi sigurado ang mga botante kung sinong iboboto, piliin nalang nila dapat ang may pinakaunting nagastos sa kampanya.

Rason kasi ni Sotto, ‘red flag’ ang mga kandidato na sobrang laki ng nagastos sa kampanya.



“Tandaan po natin ‘yan ang pinakamalaking red flag sa mga kandidato, mula sa taas, mula sa national hanggang sa barangay level, ang pinakamalaking red flag sa mga kandidato ay ‘yung gumagastos ng ubod ng laki,” wika ni Vico.

Ngayon, October 30, na gaganapin ang eleksyon.