Advertisers
“ANG taong kumakampi sa mali ay kapareho nila ng ugali…” Ito ang tumambad at binasa ko sa wall ko kanina. Tama po sa pananaw ngo inyong abang lingkod. At tama po na angkop na patama ito sa tumatayong pangalawang pangulo ng Republika ng Pilipinas na si Sara Duterte. Pasensya na po sa mga nauumay na tuwing nababanggit ko ang anak ng dating srial killer na presidente. Tulad ng desgracíado niyang ama, hindi maiiwas na pag-usapan ang taong ito, lalo na pinalilibutan siya ng isang rekwang kontrobersiya, bagay na siya ang may kagagawan.
Nagmula ito sa kuwestyonableng “confidential funds” na hinihingi niya para sa OVP na hindi niya madepensahan. Dahil dito nagsabi siya: ” “Kung sino man Medyo napataas ang kilay ng inyong abang lingkod. Tulad ni Rep. Frances Castro ng ACT Teachers Party List, nagtatanong lang kalaban na ng estado? Anyway, makisawsaw sa isyu ang dating presidenteng serial killer na ama ng bise na si Rodrigo Roa Duterte, at sinabing: ” Kung sino man kumokontra sa confidential funds ay kumokontra sa kapayapaan… Kung sino man ang kumokontra sa kapayapaan ay kalaban ng Bayan… ”
Anyway, suriin natin ang naganap tungkol sa usapan ng “confidential funds”: Noong ika-4 ng Setyembre ani Sara: “we leave it to the decision of the members of Congress “; “we can live without confidential funds…” Biglang nagbago ihip ng hangin sa ulo ni SWOH at sinabi: “Kung sino man kumokontra sa confidential funds ay kumokontra sa kapayapaan…” Nang napuna ang masidhing “pushback” mula sa publiko, noong Oktubre18, sinabi: “May oras para sa lahat, at hindi ito ang panahon ng paninira at pamumulirika, lalo na’t malayo pa ang susunod na eleksyon…” Pasensya na po, at natatawa ako sa hulog ng sinabi.
Mas natawa ang inyong abang lingkod nang biglang pumantot ang ama, at dating serial killer na presidente Rodrigo Duterte, at pinunterya si Rep. Frances Castro ng ACT Teachers Partylist, at binantaan niya na gusto niya itong patayin. Paalala sa dating pangulo na wala na ang bisa ng immunity ng pagkapangulo, at sibilyan na siya. Dahil dito sinampahan na siya ng Rep Frances ng kasong “grave threats” si dating serial killer na presidente. Hindi ko na papansinin ang atungal ng mga katulad ni Bato dela Rosa at Harry Roque. Mga papansin lang yan na nagparang maingay na utot. Bottomline? Kumbaga sa basketdol panay ang kanilang fumble.
Lalo na’t nagpahiwatig si Speaker Martin Romualdez na tatakbo siya bilang pangulo sa susunod na halalan. Nagbabadiya ang panganib sa plano ni SWOH. Sapantaha ng inyong abang lingkod? Masaya ito kaya abangan ang “coming soon.” Kasihan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian.
***
Tama si PCG spokesperson Commodore Jay Tarriela ang sabihin niya na may mga Pilipinong kampi sa Tsina sa naganap na banggaan sa pagitan ng PRC Coast Guard at resupply ship ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal na maliwanag ay nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Republika ng Pilipinas. Maliwanag na ito ay sanhi “blocking maneuvers”, at nangangamba ang marami dahil halatang mga sibilyan ang pinupuntiryahan dito. Mariin na kinondena ng maraming bansa ang ginagawa ng Tsina.
Ayon sa embahada ng Estados Unidos, “The United States condemns the People’s Republic of China’s latest disruption of a legal Philippine resupply mission to Ayungin Shoal, putting the lives of Filipino service members at risk. We stand with our friends, partners, and allies in protecting Philippine sovereignty and in support of a free and open Indo-Pacific…” Mas “direct to the point” ang tono ng embahada ng Canada: “Continuing acts of intimidation and coercion undermine safety, stability, and security across the region, and increase the risk of miscalculation…”
Ani Embahada ng Alemanya: ““Germany calls on all parties to act in accordance with UNCLOS rules and to respect the 2016 arbitral award,” he said, referring to the landmark case won by the Philippines seven years ago, invalidating Beijing’s all-encompassing claims in the South China Sea..” Tutol ang Embahada ng Hapon sa anumang tangkang baguhin ang “status quo” sa pamamagitan ng dahas at sinabihan ang Tsina na sumunod sa “arbitral ruling ng UNCLOS. ito rin ang sinabi ng Embahada ng Australia. Kaya sa mga tsinong nagtatangkang agawin ang WPS, dalawang bagay lang ang masasabi ko: una, ang mga bansang malalaya ay masidhing kumokontra sa inyo. Pangalawa, at mahalaga ito: AMIN ANG MA MON LUK!!!
***
Ngayon ay halalan para sa mga maninilbihan sa mg barangay. Ito ay napulot ko sa Lambat. Harinawa hugutan ninyo ng aral: Huwag magpasilaw sa pera, at bumoto ayon sa konsensya. Panloloko ay wakasan na. Patunayan na hindi tayo tanga. Pagkatakot mo ay pigilan, wag ibenta ang karapatan, dahil kapag iaw ay nabayaran, ang ituturing sa iyo ay isang aso na turuan. Tandaan: hihiga sila sa karangyaan at sa hirap ikaw ay maiiwan. Kampi-kampi sila magtututuan, at wala kang mapagsusumbungan. Wala ka nang mapupuntahan. Paalala lang po sa nagnanais ng matinong pamumuno.
***
Mga Harbat Sa Lambat: “With 11k ghost employees, Davao City is PH’s most haunted city…” – Joel Cochico
***
Jok Taym:
ike: BAKIT LUMAKI PAA NI AMY?…
Jun: SINIPA YUNG PUNSO…
Mike: BAKIT LUMAKI NGUSO NI FE?…
Jun: DINURAAN ANG PUNSO, O SAAN KO
PUPUNTA?…
Mike: IIHI SA PUNSO!!!
***
mackoyv@gmail.com