Advertisers

Advertisers

ANG AGA NAMANG “BINUBUKULAN” SI PRO-4A PBGEN. KENNETH LUCAS!

0 30

Advertisers

Wala pa halos 1 buwan sa puwesto bilang acting hepe ng Police Regional Office (PRO)4A o CALABARZON itong si PBGen. Kenneth Lucas katakut-takot na BUKOL na ang inaabot ng mamang heneral.

Salungat sa kanyang mga kautusan ang nakakapangyari sa field.

Gaya na lamang ng kanyang ibinibilang programa patungkol sa paglaban sa iligal na sugal.



Hindi ba nagtataka ang mabunying hepe ng PRO-4A kung bakit kung baga sa huli sa karagatan ng mga mangingisda, pawang mga gurami at sapsap lamang ang iniuulat ng kanyang mga tauhan sa iba’t ibang police commands sa mga probinsiya ng rehiyon.

‘Yung mga balyena at mahuhusay na isda ay parang bulang nagngangawala tuwing may police operations.

Bakit nga hindi eh tinitimbrehan ng mga mismong “designated bagmen” ng kapulisan.

Bago pa man dumating ang raiding team ng PNP-CALABARZON, malinis na at nakapagligpit na ang mga nakatimbreng gambling operators.

Sino kayang Herodes na tao ni Lucas ang may ALAGA sa mga nagpapakilalang kolektong ng CIDG?



Don’t get me wrong Gen. Lucas sir, hindi po tayo “PASOK” sa mga sugalang ito at kalianman ay hindi tayo nanghihimasok sa inyong panghuhuli.

Iparehas n’yo lamang po at gawing makatotohanan at di puro pang press release lamang at papogi.

Hindi tayo tutol sa ginagawang anti-illegal gambling operations ng ating kapulisan, tutol lamang tayo sa mga selective na hulihan.

May ilang insidente kasi na kahit maliliit na sugalan lamang ay pinapatulan pa kahit na isang lamesa ng tong-its ay hindi pinalalampas ng mga pulis at nagagawa pang saktan ang mga nahuhuli kahit pa nga sa mismong loob na ng kanilang tahanan nahuhuli ang mga ito.

FYI sir Lucas, to be specific,ang mga lantad na pergalan sa buong CALABARZON ang dapat ninyong sampulan.

Ang mga ito ay nagkalat at namamayagpag ang mga ito sa probinsya ng BATANGAS gaya ng sa Rosario, Lipa, Balayan, Tanauan at Malvar.

Meron din sa Probinsya ng RIZAL sa Montalban, Tanay, Taytay, at Antipolo.

Hindi rin pahuhuli sa dami ng mga peryahang may sugal ang probinsya Cavite at Laguna pati sa pinakaliblib na lugar sa Quezon.

Ilan lamang ‘yan sir chief Lucas sa mga lutang na pergalan na natimbrehan o naabisuhan para pansamantalang magsara tuwing may mga police operations ayon sa ating sources kaya hindi nadaanan ng Operatiba.

Hindi pa po kasali dyan Gen. Lucas ang mga bigtime operator ng LOTTENG, JUETENG,SAKLA at ONLINE SABONG.

Pati nga mga bilyaran ay binibira rin ng PNP ngunit pawang nauuwi lamang sa HULIDAP.

Kinukuha ang perang pusta at nagdadala na lamang ng iilang TAONG huli for record purposes.

Bulok na istilo na po ‘yan General Lucas na inyong minana pa sa mga pinalitan ninyong opisyal diyan sa PRO-4A CALABARZON.

Nakakapagod na po at nakakasukang sistema.

Wala na pong pinagbago.

Pero kung may bayag ang kapulisan laban dito sa mga hindoropot na nagpapakilalang bagmen, nararapat lamang na trabahuin na ito ng PNP-IMEG para papanagutin sa mga katarantaduhang pinaggagagawa at pagsabotahe sa mismong liderato ni Chief PNP, Gen. Benjamin Acorda Jr.

‘Yan ay kung hindi nga totoong designated bagman ang mga pindehong nagpapakilala.

Eh paano nga kung totoo?

Nganga na lamang ang mga mamamayaman.

Marami sana ang matutuwa at hindi na babansagang selective ang Operation ng PNP.

May kasunod,…

ABANGAN.

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com