Advertisers
TULUYAN ng nawala sa katinuan si Gongdi. Ang buong akala niya, nakumbinsi niya ang bayan sa kanyang pagwawala. Hindi niya alam na pinagtatawanan siya at nilibak. Noong nakaraang linggo, kinumbinsi niya ang bayan na huwag magbayad ng buwis.
Ang buong akala niya, agad na susunod ang bayan. Dahil sinabi niya, ang akala niya lahat ng mamamayan, mangangalakal o hindi, ay susunod sa kanyang panawagan. Civil disobedience, o malayang pagsuway, ang tawag sa ganitong panawagan. Ginagamit ito ng oposisyon upang pahinain ang mapang-abusong gobyerno.
Ginamit ng mga Indiano, sa pamumuno ni Mahatma Gandhi, ang civil disobedience upang pahinain ang gobyernong kolonyal ng British Empire sa India. Tagumpay ang mga Indiyan dahil ito ang nagbigay daan upang makuha nila ang kalayaan mula sa mga Ingles.
Noong panahon ng diktadura ni Ferdinand Marcos, pinamunuan ni Cory Aquino ang kampanya sa malayang pagsuway ng panawagan niya na huwag magbayad ng buwis at i-boycott ang ilang kumpanya na pag-aari ng mga kroni Marcos. Totoong nasaktan ang mga kumpanya ng kroni ni Marcos dahil humina ang kanilang negosyo.
Masasabing tagumpay ang panawagan ng civil disobedience ni Cory Aquino dahil isa ito sa mga dahilan upang magbigay daan sa 1986 EDSA People Power Revolution kung saan ang diktadura ni Marcos ay bumagsak. Ito ang nagbigay daan sa pagbabalik ng demokrasya ng Filipinas.
Sa maikling usapan, malalim ang dahilan kung paano nagtagumpay ang kampanya sa malayang pagsuway ni Mahatma Gandhi at Cory Aquino at ito ay kalayaan. Walang malalim na dahilan si Gongdi sa kanyang panawagan. Sa ganang amin ay kahangalan lang ni Gongdi ito.
Dahil planong alisin ng Kongreso ang panukalang confidential fund na P500 milyon para sa OVP at P150 milyon sa Deped, ang dalawang sangay ng gobyerno na pinamumunuan ni Sara, nag-alboroto na si Gongdi. Kung hindi ba kagaguhan ang panawagan ni Gongdi, hindi na namin alam kung ano iyan. Utot ng utak ng serial killer?
***
NAIS ni Gongdi na ang kanyang pangkat ng kriminal ang tumayong oposisyon. Mahina umano ang oposisyon, ani Gongdi sa kanyang programa sa telebisyon na hindi pinapanood ng mga mamamayan. Dahil walang oposisyon, siya na lang daw, aniya. Ito ang parinig niya sa bayan.
Hindi siya sineryoso sa kanyang sinabi. Hindi siya pumuntos sa sambayanan. Walang matwid upang siya ang maging oposisyon. Alam ng bayan na nagpapanggap na oposisyon si Gongdi. Sa Filipinas, dalawang lang ang lapian: ang tinawag na “in,” o iyong mga nasa poder; at ang “out,” o iyong walang kapangyarihan.
Kasama si Gongdi sa “out.” Dahil natikman ang poder noong siya ang pangulo, nais niya na muling mabalik sa pamamagitan ng anak. Naglalaway si Gongdi sa poder. Matindi ang pagnanasa na muling matikman ang kapangyarihan.
Tulad ng madalas kong sabihin, hindi oposisyon si Gongdi. Pumuposisyon lang. Isang malaking kahangalan na ituring siya na oposisyon. Wala siyang ipinaglalaban kundi ang nanakawing pera ni Sara. Hindi niya naiintindihan ang kapakanan ng sambayanan.
***
“HINDI ninyo nirespeto ang anak ko.” Ito ang sinabi ni Gongdi tungkol sa kamalasan ni Sara. Hindi namin alam kung anong uri ng kahangalan ito. Hindi naunawaan noi Gongdi ang katangahan ni Sara. Hindi niya alam na nabigo ang kanyang anak na ipaliwanag kung paano niya gagamitin ang panukalang P650-M para sa 2024.
Hindi alam ni Gongdi na hindi naipaliwanag kung paano nilustay ang P125-M na ibinigay ni BBM sa loob ng 11 araw noong 2022. Hindi nabigyan ng kanyang inutil na anak ng saysay ang malaking confidential fund na dumaan at dadaan sa kanya.
Ang problema ni Sara ay hindi niya binigyan ng respeto ang kanyang tanggapan. Wala siyang konsepto ng pagiging lingkod bayan. Hindi niya alam kung paano niya tutuparin ang kanyang tungkulin bilang lingkod bayan. Ang alam niya ay pandarambong sa kaban ng bayan. Utak kriminal siya tulad ng ama. Kawawang Filipinas.
***
KAHANGALAN ang paksa kaya huwag kalimutan ang kahangalan ang isang kasapi ng Gabinete ni BBM na nagpanukala na palitan ang pangalan ng West Philippine. Hindi na namin ibibigay ang kanyang pangalan at sisikat lang ng walang katuturan pero ibibigay namin ang kanyang mungkahi na isang malaking kagaguhan.
Gusto niya na palitan ang West Philippine Sea sa “Sea of Asia.” Pag-aari natin ang WPS at kilala ito sa buong mundo. Bahagi ng ating exclusive economic zone (EEZ) at kinikilala ito kahit ng United Nations Conference on the Law of the Sea. Sa makasaysayang desisyon ng Permanent Arbitration Commission ng UNCLOS noong 2016, kinilala ang WPS bilang bahagi ng South China Sea kung saan tanging ang mga Filipino ang may karapatan sa kanyang “maritime entitlements.”
Sa madaling salita, tanging ang mga Filipinas ang may karapatan sa yamang-dagat ng WPS. Hindi ang China. Hindi ang mga Intsik. Bistado na bata ni Gongdi ang kasapi ng Gabinete na binabanggit namin. Bistado na pro-China. Magandang palitan na siya na darating na balasahan sa Gabinete. Marapat na tanggalin at palitan ang mga natitirang bata ni Gongdi. Tanggalan na ng pangil upang hindi na makagambala sa katatagan ng bansa.
***
MGA PILING SALITA: “I believe the modern-day barbarians are those who hold the belief that the domination of the world is determined solely by brute force and power, particularly when dealing with smaller and weaker nations. These barbarians choose to disregard the established rules-based order and instead aim to reshape the current system through intimidation and aggression.” – Commodore Jay Tarriela, Philippine Coast Guard spokesman on the West Philippine Sea
“Mindanao contributes only 17.9% of Philippine GDP while Luzon contributes 68.3% and Visayas 13.8%. Luzon subsidizes Visayas and Mindanao. Kaya hindi natutuloy Federalism kasi VisMin Congressmen knows mawawalan ng pera VisMin pag nagkanya kanya.” – Your Daily Dose
“Another indication of the country’s financial condition. Tepid investments and aversion to investing conditions only solidifies the impression that the country is not as desirable as some of our economic managers are making it out to be.” – Jojo Clemente
“COVID O KINOBID? MAY sinabi ako sa aking college classmate tungkol sa pagkamatay ng middleman. Posibilidad lang ito… Maaaring totoo at maaaring hindi totoo. Narito: Hindi natin alam kung paano at bakit namatay, classmate. Pero may lengguwahe ang mga inmate sa loob na Bilibid… Namatay ang inmate sa Covid-19 o Kinobid? Kapag Covid-19, iyon ang totoong sakit. Virus iyon. Kapag kinobid, death by asphyxiation iyon. Lalagyan ng plastic ang buong ulo to deprive him of oxygen. Tiyak patay. Kahit anong autopsy ang gawin, walang foul play.” – PL, netizen, kritiko