Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA nakaraang kaarawan ni Angelica Panganiban ay binati at nagbigay ng mensahe si Kim Chiu sa kanyang maituturing na bff sa showbiz.
Di pa rin nga makapaniwala si Kim na naging magkaibigan sila ni Angelica kaya bumuhos ang mensahe nito kay Angge.
At halos lahat ng sekreto ni Kim ay alam ni Angelica.
Hot isyu ang hiwalayang Kim at bf na si Xian Lim.
Hanggang ngayon ay tahimik pa rin ang kampo nina Kim at Xian regarding sa mainit na isyu na split up ng dalawa.
Dahil sa message ni Kim sa birthday ni Angelica na alam nito lahat ng sekreto sa buhay ni Kim.
For sure raw na alam ni Angelica ang status ng lovelife ni Kim.
At knows din ni Angge kung true na hiwalay na sina Kim at Xian.
Naku, wag lang madulas na kumuda si Angelica ay baka masiwalat nito ang real score between Kim at Xian.
***
Deborah Sun nag-thank you sa 2 Senador kaya nasa Batang Quiapo
VERY thankful si Deborah Sun at nabigyan muli ng pangalawang pagkakataon na makapasok sa pag- arte.
2012 pa ang huli nitong pagsalang kaya sa pagpasok sa action serye na Batang Quiapo ay todo pasasalamat nito sa dalawang senador na tumulong para magbalik ulit siya sa pag-arte.
Sina Senador Lito Lapid at Grace Poe ang tumulong kay Deborah para mapasok muli ang aktres sa aktingan.
Pinasalamatan din nito nang bonggang bongga si Ara Mina na nagbigay sa kanya ng tirahan.
At dahil nasa Batang Quiapo na si Deborah ay gusto nito makaipon at makabili ng kotse na gagawin nitong grab.
Kumbaga, ngayon ay makakakain na sila ng masarap at mabibili na ang gustong bilhin dahil may work na si Deborah.
Well, well, well… ‘Yun na!