Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
NAHINTO ang taping ng Love. Die. Repeat noong September 2021 dahil nabuntis si Jennylyn Mercado sa anak nila ni Dennis Trillo na si Baby Dylan.
Kasama sa cast si Samantha Lopez, kaya naman happy siya na tuloy na ulit sila sa taping ng nabanggit na drama series.
“Ay masaya,” bulalas ni Samantha. “Blessing naman yun bakit hindi natuloy dahil nabuntis si Jen, e di ba matagal na nilang gustong magkaroon ng baby?”
Samantala, season 3 na ng GoodWill sa NET25 na isa pa ring TV show kung saan kasali rin si Samantha.
“Ako dito si Ms. Pilar, assistant manager of GoodWill Resort.” Hindi naman daw siya nahirapan magpaalam sa GMA na gagawa rin siya ng proyekto sa NET25.
“Hindi kasi ginawa ko ito hindi pa kami nag-i-start ng Love. Die. Repeat.
“Pinayagan naman ako, wala namang conflict.”
Kaya masaya si Samantha sa blessing na dalawang TV show sa magkaibang network ang tine-taping niya sa kasalukuyan.
Napapanood ang GoodWill tuwing Linggo, alas kuwatro ng hapon.
Nakausap namin si Samantha sa SamLo Cup na isang celebrity golf tournament na idinaos sa ikatlong taon bilang selebrasyon ng kaarawan niya ng Oktubre 18.
Tinanong namin si Samantha kung ano ang birthday wish niya.
“Birthday wish? Ito yung birthday wish ko e,” saad ni Samantha, “na maging successful itong SamLo Cup.
“Successful in a way wherein smooth, you know, happy ang lahat, the sponsors, the players, my guests, and our performers, the staff, the volunteers, lahat masaya!
“Hindi lang para sa akin.”
Walang karelasyon si Samantha ngayon pero hindi naman niya naging birthday wish na magkaroon ng lovelife.
“Happy na ‘ko. ‘Pag may dumating, kasi iyon naman ang prayer ko, e. Kapag meron, sana iyon na, siya na.
“Godly spouse, di ba? ‘Pag wala, okay lang, busy naman kahit papaano.”
***
SIKSIKAN, umaapaw ang tao sa katatapos lamang na Dindo Fernandez… Live at Teatrino with Musica Chiesa.
Ginanap ito nitong October 28, 2023, 8:00 p.m. sa Teatrino, Promenade, Greenhills kung saan si Michael Bulaong ng chamber orchestra na Musica Chiesa ang musical director at ang direktor ng concert ay ang award-winning light and stage director na si Joey Nombres.
Tinaguriang The Soulful Balladeer, may mga musical influences si Dindo.
“I listen to Brian McKnight po, and then Mariah Carey is also one of the artists na pina-follow ko, as well as Martin Nievera, Michael Pangilinan din po.”
At dahil sumusulat din ng mga awitin si Dindo ay may mga iniidolo rin siyang mga songwriters.
“Well, si Kuya Jonathan Manalo is one of the best composers in the Philippines, also Ryan Cayabyab, idol natin si Sir Ryan Cayabyab, iyon, those two composers.”
Sino naman ang gusto niyang maka-collaborate sa isang kanta?
“Medyo ambitious tayo po, pero I think it’s Morisette Amon.”
Bakit si Morisette?
“Yun po kasing… if you will check my songs po, yung mga kinakanta ko po kasi ay medyo powerful, so medyo namimili po ng partner, minsan po may mga gusto akong kantahin pero hindi kayang kantahin nung kaparehas na babae, so I think po Morisette can be a good…we can do a good song together.”
Kung magkakaroon naman siya ng isang major concert, may nais siyang maging espesyal na panauhin, walang iba kundi ang Superstar na si Nora Aunor.
“Si Ate Guy po, totoo po yun! Alam niyo po kung bakit si Ate Guy? Ang nanay ko po 85 years old, pumipila kay Ate Guy at bumibili ng mga… sobrang Ate Guy po. Sobra po.
“Talagang yung Pearly Shells naririnig ko nung bata pa lang ako, Nora Aunor po talaga.”
Dalawang awitin na isinulat ni Dindo, ang Akala Ko at Makinig Ka ay na-release nitong 2022 sa Spotify, iTunes, Apple Music at iba pang music platforms.
Naging nominado siya sa Aliw Awards 2022 bilang Best Male Performance in a Concert at Best New Male Artist of the Year.