Advertisers

Advertisers

Brutal na pagpatay sa brodkaster hayagang paglabag sa demokrasya at kalayaan sa pamamahayag

0 17

Advertisers

Sinisiguro ng Department of Justice (DOJ) na mabibigyan ng katarungan ang pagpatay sa radio broadcaster sa Misamis Occidental na si Juan Jumalon.

Kaugnay nito, kinumpirma ng DOJ na nagsimula na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa kanilang imbestigasyon sa pinakahuling media killing.

Muling iginiit ng DOJ na ang ginawang pagpatay kay Jumalon ay hayagang paglabag sa demokrasya at kalayaan sa pamamahayag.



Agad namang ipinaaabot ng DOJ ang pakikiramay sa naulilang pamilya at sa mga kasamahan sa trabaho ni Jumalon.

Tiniyak pa ng DOJ na kaisa sila sa paghahangad at paghahanap ng hustisya sa brutal na pagpatay sa naturang radio broadcaster kung saan nakikipag-ugnayan na rin ang NBI sa Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) para sa ibang detalye.

Matatandaang si Jumalon ay binaril habang nagpo-programa sa kanyang istasyon, na 94.7 Calamba Gold FM sa kanilang bahay sa Barangay Don Bernardo Neri Calamba, Misamis Occidental nang barilin ng nag-iisang suspek na nagpanggap na may ipapa-anunsyo sa radyo kaya nakapasok sa anchors booth. Nagawa rin maisugod sa ospital ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival.
@@@
Kinondena naman ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pamamaril at pagpatay sa local radio broadcaster na si Jumalon sa Misamis Occidental.

Sa isang pahayag, sinabi ni Interior Secretary Benhur Abalos na walang puwang sa isang demokrasyang lipunan ang ganitong brutal na pagpatay. Ani Abalos, isang direktang pag-atake sa kalayaan sa pamamahayag ang nangyaring pagpatay kay Jumaon.

Sa ngayon, nakatutok na ang DILG sa kaso. Ayon kay Abalos, mayroon nang computerized facial sketch ang isa sa mga suspek at sinusuri na rin ng PNP Regional Anti-Cybercrime Unit ang CCTV footages na narekober.



Umaasa naman ang kalihim na magkakaroon na ng resulta sa lalong madaling panahon ang mga isinasagawang imbestigasyon.
@@@
Samantala inatasan na rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Philippine National Police (PNP) para imbestigahan at mapanagot ang nasa likod ng pagpatay sa broadcaster na si Juan Jumalon o Jhonny Walker sa Misamis Occidental.
Ayon kay Pangulong Marcos na walang puwang sa isang demokratikong bansa ang ganitong uri ng pagpatay.

Ipinaabot ng Pangulo ang pakikiramay sa pamilya Jumalon at tiniyak ang hustisya sa pagkamatay nito.

Pang Lima na si Jumalon sa mga media binaril at pinatay sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
Tutukan natin!

***

Suhestyon at reaksyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com