Advertisers

Advertisers

TRAHEDYA SA MEDIA

0 32

Advertisers

LAKING gulat namin nang todasin noong Linggo sa loob ng radio booth si Juan Jumalon Tumpag, isang brodkaster na tinaguriang Johnny Walker sa lalawigan ng Mismis Occidental. Binaril habang nagproprogama si Tumpag, ayon sa ulat. Binabasa niya ang ilang pagbati sa ere nang isang salarin ang pumasok sa radio booth at barilin siya ng walang abog.

Iniulat na tinutugis ng PNP ang salarin at dalawang alalay na pawang nakunan ng CCTV. Hindi pa nahuhuli ang mga suspect, ngunit laking mangha namin na pumasok sa eksena si Mark Villar (senador ba iyon?) at nagpanukala na bigyan ng mandatory insurance coverage at benefits ang mga mamamahyag na napapatay sa hanapbuhay.

Hindi namin alam kung ano ang pumasok sa isip ni Mark Villar. Habang nagkagulo at tinutugis ang mga salarin, nagmungkahi si Mark ng insurance coverage para sa mga mamamahayag. Hindi siya nagsalita ng panukala upang pagbutihin upang pangalagaan ang kalayaan ng sinuman na magpahayag ng kanyang saloobin. Wala siyang ideya kung paano paaunlarin ang kakayahan ng mga pulis upang humuli ng mga salarin.



Sa mdaling salita, wala sa hulog ang panukala ni Mark. Basta may masabi lang. Hindi namin alam kung pinag-isipan niya at mga tauhan ang sasambitin sa publiko. Doble trahedya ang nangyari sa bansa. Trahedya sa mamamahayag at mambabatas.

May sinabing maganda si Rodolfo Medrano, isang netizen at masusing tagamasid ng ating pulitika: “He was shot in cold blood, while doing a live radio program and this senator is talking about mandatory fucking insurance coverage and benefits. It’s like saying, ‘shit happens’… Go get insurance coverage and benefits. Ganyan ba pag ang exposure mo sa buhay is all about money.”
***
MAYROON salita si Commodore Jay Tarriela, ang tagapagsalita ng Philippine Coast Guard sa usapin ng West Philippine Sea: “If in ‘betraying your friends, your country, etc. by giving away secrets about them, by lying to or about them or by doing other things that will harm them,’ one is deemed a traitor by the dictionary’s definition, can both spokespersons be mere purveyors of US propaganda? Are they causing ‘chilling effects’ on legitimate journalists, bloggers and opinion writers?

This is a very interesting article penned by Major General Edgard Arevalo (Ret), a true patriot and former member of the Philippine Marines. His extensive service to our country adds an extra layer of credibility to his words, particularly in calling out those who claimed to be Pro-Filipinos but appear to be Beijing’s mouthpieces.”

Panahon na upang kilalanin ang mga taksil sa Filipinas, sila mga kakampi ng Tsina sa usapin ng West Philippine Sea. Malinaw si Tarriela sa paghihiwalay sa mga traydor sa bayan at mga totoong makabayan na ipagtatanggol ang kapakanan ng bansa sa West Philippine Sea.

Kilala namin ang mga makabagong Makapili pero hindi namin sila kikilalanin sa aming pitak. Hindi namin sila hahayaan na sumikat. Lalaki lang ang kanilang halaga. Sisingilin lang nila ng mahal ang kliyente nilang Pulahang Tsina.



Ayon sa aming kaibigan na si Mylene Otis: “We know China’s agents here especially in media. They claimed to be writers but they do public relations works for China… We know them, but we don’t make public their names because we would only make them famous, a reason to enable them to charge bigger fees to their Chinese client.”
***
SA paghupa ng pangamba na dulot ng pandemya, muling nabuhay ang turismo. Marami ang nakaisip na maglakbay upang libangin ang sarili at alamin ang kasaysayan at kultura ng ibang bansa. Isa ang bansang Japan sa nakikinabang sa pagdagsa ng mga turista na pawang namamangha sa kaunlaran ng bansa ito.

Hindi nakakagulat ang balita sa pagdagsa ng mga turista sa Japan. Umimbulog ang Japan bilang isang bansa na ligtas sa mga panganib at komportable. Bagaman hindi magaling sa wikang Ingles ang Japan, nagging palakaibigan ang mga Hapones sa mga turista na galing sa maraming bansa. Hindi kataka-taka. Walang nakakagulat doon.

Hindi natin masasabi ang ganitong mga salita sa ating bansa. Paglapag pa lang ng eroplano ng mga turista sa Filipinas, nandiyan na ang mga naninibasib sa kanila. Hindi ka makakasakay ng mga tsuper ng taksi na tapat at maipagkakapuri. Mga bastos at nanlilimahid na tsuper ng taksi – ito ba ng haharap sa mga turista? Nahihibang ka kung oo ang sagot mo.
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “Why did Hamas initiate an attack on Israel in the first place? They knew Israel would surely retaliate, and it’s firepower was more than enough to obliterate them. They caused the death of their own women and children. Now they’re projecting to the world that they’re victims.” – Leandro Rivas, netizen, kritiko

“The Jews have learned their lessons (they’re plenty) from Adolf Hitler and the Nazis, who almost obliterated them as a race and people from the face of the Earth. There were about 11 million Jews spread all around Europe at the time Hitler became a dictator, and more than half of them were killed by the Nazis. They won’t give any quarters to any attempt to obliterate them again. The Hamas should have known better. But they are incapable of learning the lessons of history. Too primitive and crude, if you would ask me. They have no choice but to face the consequences. The late Yasser Arafat learned it quite late when the Israelis obliterated the Palestinian Liberation Organization (PLO) in the early 1980s when they attacked its base in Lebanon. The Egyptians and Jordanians know their lesson and they have peace accords with the Israelis.. They are in peaceful coexistence with the Israelis. “ – PL, netizen, kritiko

“Bong Go is a senator, a policymaker. He should go beyond mere distribution of relief goods to calamity victims. As a lawmaker, Bong Go should work to put in place a rational and workable disaster management program that adheres to disaster preparation, mitigation, and rehabilitation. Kaya ba niya ang trabahong ito? O malalim ang mga ito para sa isang alalay?” – Dennis Servañez, netizen, kritiko

***

Email:bootsfra@yahoo.com