Advertisers

Advertisers

Julia walang appeal at cheap ang dating sa pagiging calendar girl

0 35

Advertisers

Ni BETH GELENA

SI Julia Barretto ang bagong Tanduay Calendar Girl ng 2024.
Pinost na ng aktres sa kanyang IG Page ang isang larawan para sa kalendaryo at nilagyan niya ito ng caption na “Tanduay 2024 with heart emoji @tanduayrhumph”
Komento ng netizens:

“Pwede naman sideview bakit nakabukaka. Nagmukhang cheap tuloy.
“Wag mo izoom uncle hehehe”
“She’s pretty but the pose and the angle….hell No!”
“Maganda ang mata nya very Barretto pero ang bibig at ipin very Barretto din like Danny. But she’s still one of the prettiest celebs lalo na pag walang make up. Hindi rin sya boring and seems a good conversationalist. The pose here never mind na lang.”
“The first tanduay girl na walang dating”



“2022 si Bea, 2023 si Kylie V!” “mas wala dating ung tanders ay tanduay edition ni tita B” “hindi yun maganda but this one hindi rin, its a tie sa true lang. Ang ganda ni Julia pero here parang walang appeal na ang cheap ng pose nya. Baka dahil walang b@@bs kaya walang oomph factor. Lol”
“Ung facial expression niya hindi nakakaakit.”
Komento naman ng isang guy: “Mapapa zoom ka talaga, for Men like me like, may impact to us, real talk only”

“I KNOW it triggers the imagination kaya LIKE”
“Mukhang mag ho hoarding si Gerald nito haha.”
***

JENNICA PROUD KAY MELAI
NAGING malapit sa isa’t isa sina Jennica Garcia at Melai Cantiveros mula nang magkasama sila sa movie na Ma’m Chief at sa You’re Lucky Day though una silang nagkasama sa Ur Da Boss ng PIE Channel.

Hindi maiwasan ni Jennica na maging emosyonal nang hingan siya ng mensahe para sa bagong milestone nito.
Nominado si Melai as Best Quiz or Game Show Host sa 28th Asian Television Awards sa isa sa episode ng Ur Da Boss.

Hindi napigilan ng aktres na maiyak habang nagbibigay ng mensahe kay Melai.
“Naiiyak ako kasi sobrang proud ko kasi sa’yo,” aniya.
“Gusto ko lang sabihin talaga na sobrang proud ko sa’yo talaga, partner, sobra talaga. Sobrang deserve mo ‘yung nomination. Tapos kasi siyempre, first time ko rin mapanood ‘yung buong ‘Ma’am Chief.’ Ang galing mo kasi.”



Pagpapatuloy pa niya: “Basta sobra talaga akong proud sa’yo. Sobrang masaya ako kasi alam kong marami kang mapapasaya sa movie mo, at saka napakahusay mo talagang artista. Hindi tama na i-box ka as a host kasi talagang bagay na bagay ka talaga sa big screen. We love you so much.”
Ayon naman kay Melai, na-touch siya sa mga sinabi ng anak ni Jean Garcia.
Sabi niya kay Luis (Manzano) habang sila ay nagba-vlog na mabait na tao si Jennica.

Kwento niya, “Alam mo Luis nang isama mo kami sa Your Lucky Day very happy siya, pero natatakot siya kasi baka hindi raw siya makasunod sa atin. Ako naman panay push ko sa kanya na ‘kaya mo yan
Go lang ng go.’ Kasi may anxiety siya kinakailangan siyang itulak. Kaya nakikita nyo panay ang muestra ng kamay ko pag nasa kanya na ang camera. But i’m sure in a long run mawawala rin yun, ani ng misis ni Jason Francisco.
***

LA OROPESA UMAMIN MAY ANAK KAY DANTE
INAMIN ni Elizabeth Oropesa na may anak sila ng aktor na si ni Dante Rivero.
Guest ni Snooky Serna sa kanyang vlog ang beteranang aktres at doon niya inamin ang nakaraan nila ni Rivero.

Tinanong kasi ni Snooky kung ang aktor ang isa sa kanyang great loves.
“Of course. We have one child,” pagbubunyag ni La Oropesa.
“Oh my goodness, ate. Nagulat ako,” ani Snooky.

Esplika naman ng beteranang aktres, “Hindi lang ako kasi madaldal. Hindi naman kami… noong araw kasi hindi uso ‘yun ‘di ba. Wala namang social media, and you don’t normally talk about your personal life before.”

Mag-fo-40 years old na umano ang anak nila ni Dante.
May koneksyon pa rin daw naman silang dalawa.
“Yes. Friends kami. Walang problema at all.”

Apat ang kilalang anak ni Elizabeth: sina Henry, isang nurse; Genevieve o “Princess,” na anak niya sa dating boyfriend na si Mark Roces; Gabriel, mula sa kanyang marriage sa Chinese martial artist na si Meng Fei; at si Louie, na kanyang adopted son.

Pag-amin pa ni La Oro, “Dante is the only man in my life that belongs to the showbiz world
Siya lang, walang iba.”