Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
ISA ang mahusay na aktor na si Roderick Paulate sa bida sa In His Mother’s Eyes mula sa 7K Entertainment, na ang dalawa pa sa bida ay sina Maricel Soriano at LA Santos, na gumaganap sila bilang mag-ina sa nasabing pelikula.
Natutuwa si Kuya Dick na muli niyang nakatrabaho sa pelikula ang matalik niyang kaibigan na si Maricel
“Ang last movie na ginawa namin ni Maricel was Gorio at Tekla pa,” sabi ni Kuya Dick.
Patuloy niya,”At nakikita na lang natin na nili-link sa TikTok ‘yung mga TV shows namin.
“But I”m very honored and happy to be working with her again.”
“Pero yun nga, medyo nagkataon, na ang inirereklamo ko lang dito, is kambal kami.
“Siyempre, parang nainsulto ako,” natatawang sabi pa ni Kuya Dick
“Lagi kong sinasabi sa kanya sa shooting,”pasalamat ka pumayag akong maging kambal mo Kita mo magkamukha tayo,” natatawang sabi uli ni Kuya Dick.
Sa pelikula ay dalawang beses na sinampal ni Kuya Dick si Maricel. Sabi nga ng award-winning actress na nagbibiro,”sobra siyang nag-i-enjoy sa shooting lalo na nung dalawang beses niya akong sinampal Tuwang-tuwa siya Parang tumama sa lotto.”
Na nang marinig ni Kuya Dick ang sinabing yun ni Maricel, butt in niya na natatawa,”Yung mga nasampal niya (sa serye at pelikula), naigant ko.”
Wish lang ni Kuya na sana ay panoorin ang kanilang pelikula dahil maganda raw ang script nito.
Showing na sa November 29 ang In His Mother’s Eyes na mula sa direksyon ni FM Reyes.
***
PAGKATAPOS nilang maghiwalay ni Raymart Santiago, hindi pa ulit pumapasok sa isang relasyon si Claudine Barretto. At eleven years na siyang loveless, huh!
Pero ayon kay Claudine sa mediacon ng bagong serye ng GMA 7 na Lovers/Liars, na hindi naman niya tuluyang isinasara ang kanyang puso sa bagong pag-ibig.
Pero kung sakaling magkakaroon uli siya ng karelasyon, dapat yung guy ay mas mahal yung mga anak niya kesa kanya.
Nabanggit din niya na hanggang ngayon ay hindi pa annulled ang kasal nila ni Raymart Santiago, “Ongoing ang annulment namin. Pero, delay nang delay ang deadline ni Raymart for support.
“So, he’s trying to get custody, 16 years old na si Santino and 19 years na si Sabina. Hindi ko alam kung bakit gusto niyang kunin ang custody,” aniya pa
Wala rin daw silang komunikasyon ni Raymart at sa korte lang daw sila nagkikita.
“Sa mediation lang kami nagkita, pero hindi naman kami nakakapag-usap na nagkikita.”
Sa tanong kung wala na bang chance na maging friends uli sila ni Raymart, “Dati, oo, pero siguro, sa bagong relationship niya, hindi possible. Kasi, hindi maganda ang influence sa kanya, compared sa dati.”