Advertisers

Advertisers

Ticket Sa SRR Extreme On Sale Na Sa Lahat Ng SM Cinemas, Presscon Ng Regal Balik-Sigla

0 11

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

AFTER almost 3 years, balik-sigla o saya ang presscon ng Regal Entertainment sa 38 Valencia Events Place.
Yes, punung-puno ng invited entertainment press and vloggers including yours truly ang said venue ng Grand Mediacon ng soon to be shown in Cinemas Nationwide this November 29 na “SHAKE, RATTLE & ROLL EXTREME!” Ang Regal Films ni Mother Lily Monteverde ang nag-umpisa ng open statement sa press ng kanilang presscons lalo na noong 80’s.

Kaya nakatutuwang makita uli ito ngayon sa presscon ng SRR Extreme na maraming invited si Ma’am Beautiful Roselle Monteverde, na matagal nang namamahala ng Regal Entertainment, Incorporated. By the way, lahat ng cast ng SHAKE RATTLE & ROLL EXTREME na pinangungunahan nina Iza Calzado, Jane de Leon, Jane Oineza, RK Bagatsing, Paul Salas, Rob Gomez at Paolo Gumabao and the rest of the cast including social media influencer Ninong Ry ay nanghihinayang man na hindi sila nakapasok sa MMFF ay nagpapasalamat pa rin silang lahat at mas mauunang mapanood ang pelikula nila, na hindi na kailangang mag-antay na mapanood ang SRR Extreme sa Pasko.



Kumbaga para sa mga ito ay itinuturing nilang blessing in diguise ito na malapit na ang showing nila sa maraming sinehan sa buong bansa. Sa naturang mediacon ay nagkwento rin ang cast during the filming of their movie, at parang nakabuo raw sila ng isang malaking pamilya. Sulit na sulit ang ibabayad ng mga tao sa sinehan dahil lahat ng tatlong episodes ng SRR Extreme na “Rage,” “Glitch” at “Mukbang” ay extreme ang lahat ng mga eksenang mapapanood.

Sabi nga ni Paul ay hindi lang horror ang mapapanood sa movie nila kundi may action at comedy raw. Yes, wala na kayong hahanapin pa sa Shake Rattle & Roll Extreme na dinirek ng 3 Master Directors na sina Jerrold Tarog, Joey de Guzman at Richard Somes. At isa sa episode nito na “Glitch” ay sinulat ng well known and respected scriprwriter na si Ms. Noreen Capili and Anton Santamaria. Prepare to scream as tickets for the ultimate Filipino horror film are now on sale. Don’t miss the biggest comeback of “Shake, Rattle & Roll Extreme” coming to SM Cinema on November 29. Buy your tickets now, at https://bit.ly/SRREXTREMEAtSMCinema go lang sa SM Cinema App at SM Cinema ticket booths.