Advertisers

Advertisers

Mayor Honey, pinangunahan ang sabayang kick-off ng Kapaskuhan sa Maynila

0 27

Advertisers

PINANGUNAHAN ni Manila Mayor Honey Lacuna ang sabayang pagsisimula ng Kapaskuhan sa lungsod sa pamamagitan ng magkakaparehong gawain sa iba’t-ibang bahagi ng kabisera ng bansa.

Sa kanyang mensahe sa programa na ginawa sa pagpapailaw ng higanteng Christmas tree at parol sa Kartilya ng Katipunan sa tabi ng Manila City Hall, ay inanunsyo din ni Lacuna na ang pamahalaang lungsod ay magsisimula na ng kanilang 12 days of Christmas sa Dec. 1.

“Labingdalawang araw tayong lilibot sa iba’t-ibang sulok ng Maynila upang muling maghatid ng Kalinga sa lahat ng pamilyang Manilenyo sa pamamagitan ng mga ipamamahagi nating Christmas food boxes. Gayundin, kasunod noon ang pamamahagi naman ng ating Christmas Gifts para sa ating mga minamahal na senior citizens,” pahayag ng alkalde.



Ang alkalde ay sinamahan sa lighting ceremony nina Vice Mayor Yul Servo-Nieto, Manila Congressmen Joel Chua, Rolan Valeriano, Ernix Dionisio, Benny Abante, Irwin Tieng at Edward Maceda pati na ang mga opisyal ng lungsod at mga konsehal.

“Puno tayo ng kagalakan at pananabik sa inihahanda nating kasiyahan para sa papalapit na Kapaskuhan. Ngayong gabi ay pormal nating sisindihan ang mga ilaw, di lamang dito sa ating Christmas tree, kundi kasabay ding iilaw ang mga parol sa ating mga pangunahing lansangan,” ayon pa dito.

Bukod pa sa pagpapailan ng Christmas tree sa tabi ng City Hall, ang mga sumusunod na tanggapan ay ay nagpailaw na din ng kanilang Christmas decorations nang sabay-sabay: National Museum, Bangko Sentral ng Pilipinas, National Parks Development Committee, Intramuros Administration na nagpaliwanag sa Palacio Del Gobernador-Fort Santiago-Plaza Roma and Ayuntamiento de Manila at ang National Commission for Culture and the Arts na nagbigay liwanag din sa the Metropolitan Theatre.

“Ang ilaw ay simbolo ng pag-asa na ang lahat ng ating mga adhikain sa buhay ay magkaroon ng katuparan. Hinahangad natin na sa susunod na taon ay maipagpatuloy at mapalawak pa natin ang ating kakayahan na maghatid ng kaayusan, kasiglahan at kaunlaran para sa Manilenyo,” pahayag ng lady mayor.

“Sana nga ay maisaalang alang natin na sa gitna ng mga pagdiriwang ay makapagpasalamat tayo ng lubos sa tunay na dahilan kung bakit mayroon tayong kapaskuhan. Tatlumpu’t siyam na araw na lang mula ngayon at pasko na. Masaya nating ipagdiriwang ang kapanganakan ni Hesukristo na dala ang kapayapaan para sa sandaigdigan. Bigyan natin ng pagkakataon ang ating mga sarili upang pagnilayan ang mahalagang panahon na ito. At sana ay gawin nating higit na makabuluhan ang kapaskuhan sa pakikibahagi ng kabutihan sa ating kapwa,” dagdag pa nito.



Sinamantala din ni Lacuna ang okasyon upang manawagan sa lahat ng Manileño na magpakita ng kanilang aruga at malasakit sa lahat ng mga na mga nagpupunta sa lungsod sa pamamagitan ng pagtulong sa lungsod na mapanatili ligtas at maayos para sa lahat ng gustong bumisita.

Tinawag ng alkalde ang pansin ng mga in charge sa traffic, peace and order, cleanliness at maging mga business owners na gawin ang kanilang bahagi upang ang lungsod ay maging destinasyon para sa mga bisita at investors at sa huli ay maging lalong progresibo.

  • “Inaanyayahan ko kayo na makiisa na gawing masigla at masaya ang ating pasko sa buong lungsod. Gawin nating masigla ang pang araw araw na takbo ng ating mga buhay. Pasayahin natin ang bawat tahanan, tanggapan, paaralan, at iba’t ibang pamayanan. Magtulong-tulong tayo na lalong maging masaya, masigla, maaliwalas at maunlad ang kapitolyo ng ating bansa, hindi lamang ngayong kapaskuhan kundi sa mga darating pang mga araw,” sabi ni Lacuna. (ANDI GARCIA)