Advertisers
RAMDAM na ang pagbigat ng trapiko sa Metro Manila. Ang dahilan: 35 days nalang PASKO NA PO!!!
Hindi na bago sa atin na tuwing nalalapit ang kapaskuhan ay bumibigat ang trapiko. Dahil ito sa mga mall na nagsasagawa ng night market kungsaan mura ang mga bilihin, dagdag pa ang pagluwag sa vendors para makapagtinda sa mga bangketa hanggang kalahating lane ng kalye kabilaan.
Dahil dito, naisip ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na alisin muna ang window hours sa color coding scheme para kahit papaano ay hindi bumigat ng todo ang trapiko lalo sa rush hours.
Ang window hours sa color coding ay 10:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
Aprub sa akin itong naiisip na solusyon ng MMDA, bagama’t problema ito sa mga motorista dahil mapipilitan silang mag-commute ‘pag color coding ang kanilang sasakyan.
May suhestyon ako para hindi naman mamuroblema ang mga may tsekot: Gawin nalang libre ang 11:am to 2:pm at 9:00 evening to 5:00 morning sa lahat ng pribadong sasakyan para naman hindi na makapag-commute ang mga may sasakyan? What do you think, MMDA Chairman Armado Artes? Kasi napakahirap mag-commute para sa mga nag-oopisina na ang uwian ay alanganing oras sa gabi. Mismo!
***
Nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa transport groups na magsasagawa ng tatlong araw na tigil-pasada ngayong linggo.
Posible raw na matanggalan ng prangkisya ang grupong magsasagawa ng transport strike.
Tiniyak naman ng LTFRB na hindi makakaapekto ang tigil-pasada ng ilang grupo dahil ang mas malalaking grupo ng transportasyon ay tumanggi sumama sa naturang tigil-pasada.
Inanunsyo naman ng ilang eskuelahan sa Manila na magsasagawa sila ng online class sakaling matuloy ang transport strike ngayong Noveber 20 hanggang 22.
Ang mga koliheyo at unibersidad na nagpahayag ng oline classes ay ang De La Salle University, National Teachers College, Arellano University, St. Scholastica’s College, Polytechnic University of the Philippines, at Pamantasan Lungsod ng Maynila.
Malaking kabawasan ito sa budget nina mommy at daddy sa kanilang mga estudyante. Hehehe…
***
Isang hepe ng PNP-CIDG sa isang maliit na probinsiya sa Southern Tagalog ang matindi tumaya sa sabungan. Umaabot ng P100K ang taya nito sa kanyang manok. Lupet?
Ang hepe na ito ay may ranggong Major, sumasahod ng P62K. Saan kaya siya kumukuha ng daang libong pisong pantaya sa bawat sultada ng manok niya? Nagtataka lang po!