Advertisers

Advertisers

Ulilang lubos na pala si Nora Aunor!

0 7

Advertisers

Ni PETE AMPOLOQUIO, JR.

AKALA ko’y may natitira pang kapatid si Nora Aunor at sila ay naninirahan sa Bikol.
Yun pala ay wala na. A few years ago, namayapa na ang kanyang kapatid na si Tita Aunor na minsan ding pinasok ang pag-aartista.

Kasunod niya ay nawala na rin ang kanilang kapatid na si Ernesto na sinundan kamakailan ni Buboy Vilamayor.



Suffice to say, nag-iisa na lang pala si Nora sa angkan ng mga Villamayor.
Kaya pala nang minsang dalawin niya ang mausoleo ng kanilang angkan ay naluha talaga siya.
Ibang-iba talaga ang dating ng pamilya ni Nora noong mid-70s.
Nang pumasyal ako sa kanilang bahay sa Valencia, naabutan ko pa roon si Mamay Tunying dahil si Nora ay may shooting ng Bakekang sa Kyusi.
Napakabilis talaga ng panahon. Hayan at 2023 na at hindi na ganon kalakas ang popularidad ni Ate Guy pero naririyan pa rin siya at gumagawa ng pelikula.
Napakabait at may pusong ginto
***

IN my vlogging experience, I am able to meet a lot of people from all walks of life.
Some are nice, some are good natured and some would make you feel special.
In this category, I would consider Madam Ellen to belong.
She is one lady who is so nice and sweet and is most giving.
Sa panahon ngayong napakahigpit talaga ng pera, nakatutuwang may mga taong marunong mag-share ng kanilang blessing.

Maraming salamat Madam Ellen, what you are sharing is a big help to my ailing finances.
***

Maine kinabog si Atasha!
HAHAHAHAHAHA! Agaw-eksena ang performance ni Maine Mendoza bilang Ellen to the point na kinabog daw nito ang performance ni Atasha sa nasabing show.
Honestly, basing from the feedbacks that we were able to read at the social media, very positive ang reaction nang nakararami sa kanyang delineation bilang Ellen.

Bukod sa kuhang-kuha niya ang pagiging garil sa Tagalog ni Ellen, ang nuances niya ay nakadagdag sa character ng taong kanyang binibigyan ng buhay.
Sabagay, more than ten years na rin naman siyang umaarte kaya beteranong-beterano na siya.
But then, hindi naman yan sa tagal mo sa industriya. Mayroon nga riyang ang tatagal na sa industriya pero ang tatanga pa ring umarte.



Ang sabihin mo, may husay talaga si Maine sa pag-arte. Yun nah!
Follow me in Police Files Tonite tabloid at Yari Ka!
Send in those amusing and sizzling stories at #09276557791.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!