Advertisers
INSPIRASYON SA BUHAY: “… Mapalad ang bansang si Yahweh ang Diyos…” (Mga Awit 33:12, Ang Tanging Daan Bibliya).
***
PNPB, PAMBANSANG GRUPO NG MGA PANALANGIN, MAGDIRIWANG NG 48TH ANNIVERSARY, VP SARA, EXEC SEC BERSAMIN, GUESTS OF HONOR: Ang Vice President Sara Duterte at Executive Secretary Lucas Bersamin ang mga panauhing mangunguna sa pagdiriwang para sa ika 48 anibersaryo ng PNPB o Philippine National Prayer Breakfast sa Tent City, Manila Hotel, sa ganap na alas 7 ng umaga sa Nobyembre 29, 2023.
Ito ang kinumpirma noong Sabado, ika 18 ng Nobyembre 2023, ni Bishop at retired Sandiganbayan Justice Raoul Victorino, ang Chairman of the Board ng PNPB.
Ayon naman kay Atty. Joe Villanueva, ang pangulo ng PNPB, inaanyayahan ang lahat na makibahagi sa pagdiriwang na pupunuin ng mga Salita ng Diyos at mga panalangin.
Ayon kay Prof. Rod Cornejo, PNPB executive director, Itatampok ang mga talumpati nina Vice President Sara at Executive Secretary Bersamin.
Kasama din sa mga maghahayag tungkol sa Salita ng Diyos si dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno, Israel Ambassador to the Philippines Ilan Fluzz, at Steve Mirpuri, ang pangulo ng ICEJ, o International Christian Embassy Jerusalem.
Maaaring tumawag ang mga nagnanais dumalo kay Pastora Dory Villanueva Lavado, 0927 614 2578.
Ang PNPB ang pambansang samahan ng mga Kristiyano na nagsusulong ng regular na pagbabasa at pagtalakay ng Bibliya, at mga panalangin.’
Tuwing Huwebes, alas 8 ng umaga ang regular Bible discussions at prayer meetings.
***
MGA KRISTIYANO, TINUTUOS NA NG DIYOS SA KANILANG PEKENG PANANAMPALATAYA: Tila may pagtutuos na ginagawa ang Diyos at Tagapagligtas na Siyang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo, sa mga tao na nagsasabing sila ay mga Kristiyano.
Karamihan sa mga pahayag ng mga pastor, pastora, at iba pang mga mangangaral noong Linggo, ika 19 ng Nobyembre 2023, ay nagtatapos sa pagtatanong.
Ang tinatanong nila ay ang kanilang mga church members. Ang tanong nila ay halos iisa: kung sinasabi ng isang Kristiyano na tagasunod siya ni Jesus, tunay na nakikinig ba at sumusunod sila sa Kaniyang mga utos?
Sa ilang mga mangangaral na nakausap ng Mahal Na LD o ang lider disipulo ng Simbahang Anak Ng Diyos Kadugo Ni Kristo, sinasabi nila na marami ng masyado ang mga Kristiyano na peke at palsipikado ang pananampalataya.
Ito ang dahilan, anila, na patuloy ang mga Kristiyanong ito na mahirap, magulo, at laging bigo ang buhay. Hindi natutupad sa kanila ang mga pangako ng pagpapala, paggabay, at proteksiyon ng Diyos.
Sabi ng mga pastor at pastora, nakakahiya ang mga Kristiyano na umaasang bibigyan sila ng Diyos ng pagpapala samantalang niloloko lamang nila ang Diyos sa peke at palsipikadong pananampalataya.
Nakakahiya din ang mga Kristiyano na sa panahon na lamang na sila ay nasa gipit na kalagayan tumatawag sa Diyos. Hindi pakikinggan ng Diyos ang mga taong ito.
Marami sa mga Kristiyano ngayon ang di nagbabasa ng Bibliya, dahil hindi nila itinuturing na may halaga, at kautusan ng Diyos, ang pagbabasa ng Bibliya.
Marami na din ang hindi na sumusunod sa mga utos ng Diyos na nakasulat sa Bibliya. Kung ano na lang ang kanilang maisipan o maibigan, yun na lang ang kanilang ginagawa.
Sa akala ng mga Kristiyanong ito, sabi ng mga pastor, madadaya nila ang Diyos sa mga pakunwari nilang pagkilos. Sumpa, trahedya, kalamidad, at kamalasan ang tunay na tatama sa kanila, gaya na nga ng nangyayari sa ngayon sa maraming Kristiyano.
***
MANOOD, MAKINIG (PART 1): KAKAMPI MO ANG BATAS, ala una ng hapon, Lunes hanggang Biyernes, sa Radyo Pilipino Luzon, Visayas, at Mindanao, Lunes hanggang Biyernes, sa facebook.com/radyopilipino, facebook.com/attybatas, facebook.com/philiplmauricio, at YouTube.com/ Kakampi Mo Ang Batas.
***
MANOOD, MAKINIG (PART 2): AND KNK THE ONE’S CHANNEL, Lunes hanggang Linggo, mula alas 5:30 ng umaga, hanggang alas 9 ng gabi, sa facebook.com/ANDKNK, facebook.com/Ang Tanging Daan, facebook.com/attybatas, YouTube.com/AND KNK.