Advertisers
NAGSALITA na si Pangulong “Bongbong” Marcos hinggil sa napabalitang nilulutong impeachment sa Kamara laban kay Vice President “Inday” Sara Duterte-Carpio.
Aniya, binabantayan ito ng kanyang administrasyon. Ayaw niyang maalis sa puwesto ang kanyang running mate noong 2022.
“Of course…binabantayan namin ng mabuti. Beacause we don’t want her to be impeached. She does not deserved to be impeached,” sabi ni PBBM sa panayam ng mga mamamahayag sa Hawaii, kungsaan binisita niya ang lugar kungsaan sila nanirahan ng matagal matapos palayasin ng People’s Power sa Pilipinas.
Eh sino naman kaya ang nagpaplanong patalsikin sa puwesto si Inday Sara?
Ang impeachement, na isang numbers game, ay hindi uusad kung kakampi ng Pangulo ang lider ng Kongreso.
Eh sino ba ang lider ng Kamara (House of Representatives)? ‘Di ba ang pinsang buo ni PBBM!, si House Speaker Martin Romualdez, ang lider ngayon ng ruling party Lakas CMD na halos kalahati ng bilang ng mga mambabatas ay miyembro na nito.
Kaya sino sa tingin ninyo, mga pare’t mare, ang may lakas ng loob na nagbabalak patalsikin si Vice President Sara Duterte? Alangan naman ang ‘Makabayan block’ na wala pang sampu ang bilang? Siempre yung partidong may bilang lamang. Now you know!!!
Actually, ang isang miyembro ng Makabanyan block na si ACT Teachers Party-list Representative France Castro ang nagsiwalat na pinag-uusapan ng mga political party leader ang impeachment laban Kay Vice President Duterte.
Hindi magsisinungaling sa publiko si Castro. Oo! Naniniwala ako na may niluluto ngang impeachment vs VP Sara. Kung hindi man ngayon ay baka sa sunod na taon… Maaring hinihintay lang ng grupo ang resulta ng audit ng Commission on Audit (CoA0 sa mga pinaggastusan ni VP Sara sa kanyang confidential funds partikular ang P125 million na ginastos niya sa loob lamang ng 11 days noong Disyembre 2022, at ang desisyon ng Korte Suprema sa ‘petition for certiorari’ ng grupo nina ex-Comelec Commissioner Christian Monsod at Atty Barry Pascua na kumukuwestyon din sa legalidad ng naturang confidential funds ni VP Sara.
***
Kung ‘love’ ni PBBM si VP Sara, eh si House Speaker Romualdez okey kay Inday?
Maraming beses nang nalathala sa mga national newspaper, nabalita sa mga radyo at telebisyon ang mga iringan nina VP Sara at Spkr. Ronualdez. Patunay rito ang tuluyang pagtanggal ng confi funds sa Tanggapan ni VP Sara pati sa DepEd na kanya ring pinamumunuan.
Si VP Sara at Spkr Romualdez ang matunog na maglalaban sa 2028 Presidential race. Yun na nga!!!