Advertisers

Advertisers

Padyak boy nakuhanan ng P.5M droga

0 2

Advertisers

Mahigit kalahating milyong shabu ang nasamsam sa isang tricycle driver sa Brgy. Toran, bayan ng Aparri, Cagayan noong Biyernes.

Sa isang buy-bust operation na ikinasa ng PNP Drug Enforcement Group kasama ang Regional Intelligence Unit 2, Provincial Intelligence Unit, at Regional Drug Enforcement Unit 2 na may koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 2 sa lugar, nasamsam kay Alyas Roldan, 41-anyos, may asawa, at residente ng nasabing barangay ang 80 gramo ng shabu kabilang na dito ang 15 gramo na ibebenta sana nito sa nagpanggap na poseur buyer.

Nakumpiska sa suspek ang 16 na piraso ng medium-sized transparent sachet na may lamang hinihilang shabu; 10 piraso ng small heat transparent plastic na naglalaman pa rin ng pareong kontrabando; pera na nagkakahalaga ng P1,850; isang eco bag; isang mailing envelope; isang black card holder; isang motorsiklo at ang perang ginamit ng suspek sa buy-bust operation.



Sa ngayon mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at nasa kostodiya na ng PNP Aparri para sa tamang disposisyon.