Advertisers
Patay ang isang lalaking may kasong panggagahasa nang manlaban sa mga pulis sa Purok 6A, Barangay Los Amigos, Tugbok District, Davao city nitong Lunes.
Kinilala ang nasawi na si Ronaldo Tan, 43-anyos, at residente ng Barangay Manuel Guianga, Tugbok District.
Ayon sa Davao City Police Office, nagtungo sa Los Amigos Police Station ang isang opisyal ng barangay at nagbalita na nakatanggap sila ng reklamo sa pamamagitan ng text hinggil sa isang armadong lalaki sa lugar.
Mabilis na rumesponde ang kapulisan at pagdating sa lugar, nakita ang suspek na may hawak na .38 Caliber revolver, nagpakilala ang mga pulis nang bigla silang pagbabarilin, nakaiwas ang mga pulis at hindi natamaan, napunta ang bala sa dalawang beses na mobile patrol.
Gumanti naman ang mga pulis at natamaan ang suspek, dinala ito sa Isaac T. Robillo Hospital sa barangay Calinan nguni’t idineklara itong dead upon arrival ng attending physician.
Ayon kay Police Captain Hazel Tuazon ang Davao City Police Office Spokesperson, may nakabinbing kasong kriminal si Tan sa Davao City Prosecutors Office sa kasong RA 8353 (RAPE) 3 counts at RA 11648 (Statutory Rape) Two Counts.
Narekober galing sa posisyon ng suspek ang isang ziplock na naglalaman ng mga tuyong dahon ng Marijuana.