Advertisers

Advertisers

UP Police chief tinutukan ng baril ng tauhan sa loob ng presinto

0 27

Advertisers

NAGSASAGAWA na ng manhunt operation laban sa isang University of the Philippines (UP) Police na nanutok ng baril sa kanyang hepe at kasamahan sa Quezon City nitong Sabado.



Sa report ng Quezon City Police District – Criminal investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), inireklamo ng ‘grave threats’ nina Kit Buenaventura, 50 anyos, UP Director of Public Safety and Security Office; at Raymundo Cabauatan, UP Police; ang kasamahan na si Jonathan Bantugan, 40.

Nangyari ang insidente nitong Nobyembre 18 sa loob ng UP Police Station, sa Brgy. UP Campus, Diliman, QC, 3:30 ng madaling araw.

Nabatid na dumating sa lugar sina Buenaventura at Cabauatan mula sa pagpapatrolya sa UP campus nang sumulpot ang lasing na si Bantugan at biglang tinutukan ng M16 rifle ang dalawa.

Agad namang naawat ng mga kasamahan si Bantugan sa panunutok.

Nagtungo kay QCPD CIDU chief Maj. Don Don Llapitan sina Buenaventura at Cabauatan at inireklamo si Bantugan.

Pinuntanan ng mga pulis sa pangunguna ni CMS Noel Balleras ang bahay ni Bantugan subali’t hindi na nila ito naabutan.

Nakuha sa bahay ni Bantugan ang isang replica ng M-6 Rifle; 2 magazines ng M16 at 18 bala ng caliber 5.56 mm.