Advertisers

Advertisers

VP Sara Duterte, hindi dapat na maharap sa impeachment ayon kay PBBM

0 12

Advertisers

atalsik sa pwesto si Vice President Sara Duterte.

Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Kapihan with the Media sa Estados Unidos sa harap ng mga panawagang impeachment laban kay VP Duterte.

Ayon kay Pangulong Marcos Jr., binabatayan nilang mabuti ang mga hakbang sa panawagang patalsikin sa pwesto si VP Duterte.



Dagdag pa ng pangulo, hindi na bago ang panawagang patalsikin sa pwesto ang isang mataas na opisyal ng pamahalaan.

Pero ayon sa pangulo, hindi dahil lamang ayaw na sa nakapwestong opisyal ay kailangan na ang impeachment.

Tiwala naman ang pangulo na matatag ang samahan ng mga miyembro ng UNITEAM kung saan nakaanib si Pangulong Marcos.

Ito ay sa harap ng mga pahayag na watak-watak na ang UNITEAM.

Sinabi pa ng pangulo ang mga nanawagang impeachment para sa pangalawang pangulo at ang nagsasabi na watak-watak na ang UNITEAM ay parehong grupo lamang.



Giit ng pangulo, maganda ang samahan nila ni VP Sara at maganda rin ang nagiging pamamahala nito sa Department of Education (DepEd).

IMPEACHMENT KAY VP SARA DUTERTE, NAPAGKUKWENTUHAN LANG AT WALA SA PLANO NG MGA KONGRESISTA
Samantala ayon naman kay House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro, napagkukwentuhan pa lang at hindi pa seryosong pinaplano ng mga kongesista ang impeachment laban kay Vice-President Sara Duterte.
Bunsod nito ay sinabi ni Castro na sila sa Makabayan Bloc ay naniniwala na masyado pang maaga ang impeachment talks laban sa ikalawang pangulo.

Gayunpaman, diin ni Castro, malinaw nitong ipinapakita na nagkakaroon na ng lamat sa panig ng UniTeam.

Giit ni Castro, ang kailangan nila ngayon mula kay Vice-President (VP) Sara ay ang paliwanag kung paano nito ginastos ang kontobersyal na P125 million confidential funds noong 2022.

Ipinunto ni Castro na ang dami nang nangyari mula Agosto hanggang ngayon pero hindi pa rin sinasagot ni VP Duterte kung saan niya ginastos sa loob ng 11 araw ang P125 milyon na confidential funds.

***

Suhestyon at reaksyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com