Advertisers

Advertisers

Iza Calzado, Jane De Leon, Jane Oineza, Etc., Pawang Magagaling Sa Shake, Rattle & Roll Extreme!

0 25

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

KAYA naman pala nakapagbitaw ng salita si Ma’am Beautiful Roselle Monteverde, na wala siyang pagsisisi sa patuloy na pagpo-produce ng pelikula lalo na sa latest offering nila sa Regal Entertainment, Inc. na “SHAKE, RATTLE & ROLL EXTREME!” Kasi walang itulak kabigin ang tatlong episode na ‘Glitch,” “Mukbang” at “Rage.”

Yes, nag-uumapaw ang tuwa ni Ma’am Roselle sa magandang feedback at mainit na pagtanggap ng publiko mula sa pag-alma ng SRR fanatics sa hindi pagkakasali ng classic Pinoy horror film series na nag-trending nga sa X o Twitter Trending Philippines, hanggang sa paglabas ng official teaser nito na million agad ang views, mall show sa SM Mall, at Red Carpet Premiere sa SM Megamall Cinema at Gala Night nito sa Market Market Cinema 1 last Sunday na dinagsa ng fans mula sa iba’t ibang lugar.



Well, tulad ng reviews ng marami na pawang positive sa SRR Extreme ang layo nga ng tinalon ng bagong version nito kaysa sa nakasanayan ng lahat na Shake Rattle and Roll noong 80’s, 90’s at mid 2000.
Pero ang katatakutan ay lalo pang ginawang extreme! At sinulit talaga ng Regal Entertainment ang bawat episode na mapapanood lalo na ng mga GEN-Z. Yes, pwede itong mapanood ng 13 years above at R-13 ang rating na ibinigay ng MTRCB sa much awaited film of 2023.

Grabe, sa unang episode pa lang na “GLITCH” na lima lang ang character pero matindi ang impact ng character nina Iza Calzado, Miggs Cuaderno, Jewel Milag, Angel Guardian at Donna Cariaga. Magmamarka sa manonood ang character ni “Gary the Goat” na maghahasik ng lagim sa mag-inang Iza, Miggs at Jewel na may laruang goat na si Gary.

Grabe sa umpisa parang normal lang ang pamilya kasama ang kasambahay na si Donna na pinoproblema ni Iza ‘yung sira na kuryente. Hanggang sa masisindak ka sa halimaw na unang nakita ni Donna na papatay sa kanya, kay Choppy (dog) at girlfriend ni Miggs na si Angel. Pero sa bandang huli ay nakaligtas ang mag-ina at napatay ni Iza ang nasabing halimaw na nagmula kay Gary the Goat.

Si Master director Richard Somes ang nagdirek ng episode na ito. Sinundan ito ng “MUKBANG” episode na sobrang makabago dahil bida ang mga social media influencers na sina Paul Salas, AC Bonifacio, Ninong Ry, Ian Gimena, Phi Palmos, Esnyr Ranollo, Janna Taladro. Kasama ang mag-sweethearts na sina Jane Oineza at RK Bagatsing and Elle Villanueva.

Horror ito na may halong comedy at Tiktok pa. Isa-isang papatayin nina Paul at ng kampon nila ni Francis Mata na mga mala-aswang ang mga bisita nila at ang mga karne nito ang kakainin nila sa kanilang mukbang. Kaaaliwan niyo rito ang mga eksena ni Ninong Ry na ginawang chef nina Paul at Elle. Very funny rin ang mga eksena ng gay influencer actors na sina Phi Palmos at Esnyr Ranollo na pinagpapantasyahan ang hunky si Paul. Dinirek ni Master director Jerrold Tarog ang very entertaining na episode.



May touch naman ng Trip To Busan ang 3rd episode na “RAGE” na dinirek ni Joey De Guzman top billed by Jane de Leon, Paolo Gumabao, Rob Gomez, Sarah Javier, Maita Gomez at Sparkle Young Actor Bryce Eusebio. Napadpad sa isang ilog na may virus na papatay sa tropa nina Jane at Paolo na sina Dustin Yu, Mika Reins at Sarah Javier. Matitindi ang action scenes dito nina Jane, Paolo at Rob na nakipagbakbakan talaga sa mga taong infected ng virus.

Napakahusay rito ni Jane, talagang pwede siyang ilevel sa mga action queens. Basta pare-pareho silang mahuhusay rito nina Iza at Jane. Showing na in cinemas nationwide ang SRR Extreme starting November 29, Wednesday.