Advertisers
Ni BETH GELENA
GAGAWA ng movie sina Alden Richards at Heaven Peralejo.
First time na magsasama sa isang project ang dalawa kung saan isa
Itong collaboration project ng faney,
Alden “Walang Pagod” Richards.
“Mukhang may bed scene ala viva max. Charot!! Haha anyways ok din yan iba iba ang partners. Mukhang nakabawi ng maganda sa first movie na isa sya sa producer kaya gagawa uli. Congrats alden and goodluck sa next project”
“Nakita ng iba ang potential ni Heaven. Sana Kapamilya channel din. Wag puro un favourites nila na tumatanda na din naman:”she represented Philippines to Asian Academy Award few months ago. Na nominate din sya sa FAMAS and won FAP Best Actress.”
As long as she has the talent she can stay an actress as long as she likes. Kaysa naman one time popularity na mawawala din kasi walang talent. Think the likes of Joel Torre, the Eigenmanns and other character actors who are staples in the industry.
***
DEADMA lang si Julia Barretto kapag may nagtatanong kung ilang digits ang kanyang TF bilang calendar girl 2024 ng isang inumin.
Ngiti lang ang sagot ng dalaga.
Anong binili mo para sa sarili mo for this project?” “Reward? Umm… Di ko pa naisip yun eh. It’s a good question. Baka next year na lang for my birthday. Yeah, malapit na rin yon. Ano kaya? Bakasyon? Travel? I don’t know pa, hindi ko pa alam. Gusto ko pa siyang i-save. Hindi ko pa siya gagalawin for now,” sambit ng girlfriend ni Gerald Anderson.
***
PAPA P NO SHOW SA B-DAY PARTY PERO NAGPADALA NG MARAMING ROSAS KAY MS. RHEA
NAMUDMOD ng pera ang CEO/Owner ng Beautéderm Corporation na si Ms. Rhea Anicoche-Tan.
Nag-celebrate ng nth birthday si Ms. Rhea kamakailan kung saan ang dami niyang pinaligayang press people.
First time niyang nag-celebrate with the press.
Kung masaya ang birthday celebrant dahil napasaya niya ang mga press, napasaya naman siya ng mga ambassador ng Beautederm.
Naroon ang mag-asawang Vice Governor Alex Castro at Sunshine Garcia ng Sexbomb.
Sina Maja Salvador, Kitkat, Glydel Mercado, Ynez Veneracion, Sanya Lopez, Enchong Dee, and a lot more celebrities ay dumalo rin para bumati kay Ms. Rhea.
Dumating din si Bea Alonzo na nakaw-eksena dahil nilapitan siya ng batikang manunulat na si Manay Lolit Solis at niyakap.
Matatandaang nagkaron ng sigalot ang dalawa noon.
In fairness sa actress hindi ito nagtanim ng galit sa batikang manunulat.
Ang paglapit ni Manay Lolit kay Bea ay tanda na wala na itong tampo.
Si Bea ay hindi naman nagtanim ng sama ng loob sa beteranang manunulat at nag-wish pa ito na sana’y always in good health ang legendary writer cum talent manager
Anyway, back to Ms. Rhei nag-enjoy ang entertainment press lalo na at nagpalaro ng binggo ang birthday celebrant.
Hindi nakarating si Piolo Pascual pero nagpadala ng sanlaksang roses para kay Ms. Rhea.
Thank you po Ms. Rhea and happy happy birthday!