Advertisers

Advertisers

QC Mayor nag ‘sorry’ sa mga naabalang motorista

0 12

Advertisers

Humingi ng dispensa at nag-sorry kahapon si Quezon City Mayor Joy Belmonte dahil sa nagawa nilang abala sa mga motorista matapos na pahintuin ng mga traffic enforcer ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang daloy ng trapiko sa Katipunan corner Aurora Boulevard para mapadaan ang kanilang convoy bilang kanilang security protocol.

“Humihingi ako ng paumanhin sa kalituhan na nangyari ngayon lamang sa bahagi ng Katipunan Avenue-Aurora Boulevard” ayon kay Belmonte.

Aniya, matapos ang ribbon cutting sa isang nagbukas na coffee shop, agad nilang binaybay ang Katipunan Avenue, pero lingid sa kanilang kaalaman ay pinahinto l ng mga MMDA traffic enforcer ang daloy ng trapiko sa kanilang daraanan.



“Sumenyas man ang aking mga tauhan na hindi ito nararapat, nagdulot pa rin ng pagkaabala sa ibang motorista ang pangyayari.

Hindi natin kinukunsinti ang ganitong gawi kasabay ng paghingi ng pasensya,” anang alkalde.

Kaugnay nito, inaatasan na umano ng alkalde ang Department of Public Order and Safety (DPOS), Traffic and Transport Management Department (TTMD) at iba pang ahensya ng lokal na pamahalaan na makipag-ugnayan sa MMDA at talakayin ang pagrepaso at pagsasaayos sa traffic protocol sa ganitong mga pagkakataon.

“Nais kong bigyang-diin na dapat ay akma ang protocol sa kapakanan ng lahat ng gumagamit ng mga kalsada, anuman ang kanilang estado sa lipunan,” dagdag pa ng QC Mayor. (Almar Danguilan)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">