Advertisers
SINA dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre at kasalukuyang Solicitor General Menardo Guevarra ang unang makakatikim ng paghihiganti ni dating Senador Leila De Lima matapos makalaya mula sa halos pitong taon na pagkabilanggo dahil sa mga kasong “tahi-tahi” ng nakaraang administrasyon.
Sa pagbaligtad ng Sandiganbayan sa pagbasura ng Ombudsman sa reklamo ni De Lima laban kina Aguirrre at Guevarra sa kasong paggamit ng convicted criminals bilang state witness sa kanyang drug cases, iginiit ng dating Senador na mapipilitan na ngayon ang Ombudsman magsagawa ng full blast investigation laban sa dating mga opisyal ni ex-President Rody Duterte.
Sinabi ng Court of Appeals (CA) Special 17th Division na nakagawa ng “grave abuse of discretion” ang Ombudsman nang ibasura nito ang administrative complaint “outright based on inapplicable exceptions.”
“There was no valid reason for the Ombudsman to have refused to conduct an investigation on the administrative charges. Its unjustified refusal is contrary to its mandate under the law and cannot be tolerated,” paliwanag ng appellate court
Hindi manlang kasi binigyan ng Ombudsman ng kopya ng reklamo ni De Lima sina Aguirre at hindi rin nila inatasan ang respondents na magsumite ng counter-affidavit at ebidensiya, sabi sa desisyon na isinulat ni CA Associate Justice Raymund Reynold Lauigan sa tulong nina Associate Justices Apolinario Bruselas Jr. at Eleuterio Bathan.
Magugunita na inireklamo ni De Lima si Aguirre ng ‘dereliction of duty and graft’ sa pagpayag na gamitin ang mga bilanggo na magtestigo laban sa kanya at ilagay ang mga ito sa ‘witness protection program’ ng gobyerno.
Sinabi ni De Lima na sina Aguirre at Guevarra ay binigyan ng “unwarranted benefits” ang mga bilanggo at hindi inusig ang mga ito sa kabila ng kanilang pag-amin ng pagkakasangkot sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).
Ang naturang convicted crminals pati ang mga dating opisyal ng Bureau of Correction at National Bureau of Investigation, pagkatapos ng Duterte administration, ay nag-withdraw ng kanilang mga testimonya laban kay De Lima. Sinabi ng mga ito na napilitan lamang sila mag-testify noon dahil sa banta sa kanilang buhay at pinilit gumawa ng mga tahi tahing akusasyon.
Dahil sa pag-atras ng mga testigo, nabasura ang dalawa sa tatlong drug cases laban kay De Lima. At sa panghuling kaso ay pinayagan siyang makapagpiyansa. Malamang na mabasura narin ito dahil kamakailan lang ay nagpahayag narin ng kanilang pag-atras ang pitong bilanggo na ginawang testigo laban kay De Lima. Sinabi rin ng mga ito na napilitan lamang sila noon idiin ang dating mambabatas dahil sa banta sa kanilang buhay.
Ngayong nakalaya na si De Lima, unang makakatikim ng kanyang paghihiganti sina Aguirre at Guevarra. Araguy!!!
Subaybayan!