Advertisers

Advertisers

Bea diniin, ‘di takot kay Dominic

0 6

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

FOUR months nang engaged sina Bea Alonzo at Dominic Roque at ayon kay Bea ay mas lumalim at naging matibay ang kanilang relasyon ni Dominic.

“Oo, iba pala talagang level ng happiness yung pagmamahal. Siguro talagang ganun as you go to one chapter to another, nag-iiba yung level ng love.



“Saka siguro yung security din sa relationship, di ba?

“Alam ko naman noon na talagang family-oriented siya. Ang maganda kasi kay Dom, di ako natatakot magplano ng buhay with him kasi alam ko what he believes in.

“Heto yung gusto niya, heto yung end game.

“Siguro yung pagbabago lang is parang mas na-seal yun. We are now planning for our future together,” lahad ni Bea na nakausap namin sa fabulous birthday party ng Beautederm Queen na si Rhea Anicoche-Tan.

Bahagi ng relasyon at bonding ng dalawa ang travel, at this December ay muli silang mangingibang-bansa.



“Yes, aalis kami ng after Christmas,” pakli ni Bea. “Baka Japan. We love Japan. Isa yun sa paborito naming destination.”

At para sa darating na 2024, may mga nais isakatuparan si Bea.

“I’m very thankful na maraming trabaho na pumapasok. Thankful sa success ng Bash [na bago niyang negosyo].

“Siguro yung goals, just keep on going, and make sure na nama-manage ko yung time ko ng maayos.

“Para bawat trabaho o personal kong pinapasukan, makukuha nila yung buong ako.”

Samantala, sa bonggang birthday party ni Ms. Rei (hosted by DJ Jhai Ho and DJ Chacha), bukod sa pera at papremyo ay umulan ng mga artista na mga babies ng Beautederm tulad nina Sanya Lopez (na mapapanood na sa Pulang Araw sa 2024 sa GMA with Alden Richards, David Licauco and Barbie Forteza); Rayver Cruz, Maja Salvador, and Vice-Governor ng Bulacan (na acting OIC Governor ngayon) na si Alex Castro, ang misis nitong dating SexBomb member na si Sunshine Garcia, Ysabel Ortega, ang mahal namin na napakaguwapong konsehal ng unang distrito ng San Juan na si Ervic Vijandre (na soon-to-be mayor ng San Juan?), Sparkle teen Josh Ford, Kakai Bautista, Kitkat, Ynes Veneracion, ang Beautéderm couple na kaibigan naming sina Jimwell Steves and wife Rochelle Barrameda, Enchong Dee, Thou Reyes, Luke Mejares, Maricel Morales, at ang mahusay na aktres na si Glydel Mercado ( na kasama sa cast ng Unspoken Letters ni Jhassy Busran na mapapanood sa mga sinehan sa December 13).

Hindi man nakarating si Piolo Pascual sa party dahil may ganap ay mistulang isang buong flower shop ang ipinadala ni Papa P para kay Ms. Rei.

***

MARAMING proyekto sa pelikula at telebisyon na tumatalakay sa iba’t ibang uri ng pagiging special child; ano ang atakeng ginawa ni Jhassy Busran upang mabigyan niya ng hustisya ang karakter ni Felipa na isang special child sa pelikulang Unspoken Letters?

Lahad ni Jhassy, “Actually I won’t speak for just myself din naman po, lahat kami po may ginawa para po mabuo talaga ‘to and para magampanan ko din yung role ko.

“Kasi parang ako ngayon po, nung iniisip ko siya hindi ko siya magagawa ng ako lang.

“With the help of my co-actors din po kaya ko nagampanan nang maayos yung role and hindi lang po kasi siya basta kay Felipa lang.”

Pagpapatuloy pa ni Jhassy…

“It talks about the whole family, kumbaga lahat may istorya, hindi lang basta si Felipa. And I think iyon yung isa sa mga bagay na ikinaka-proud ko sa pelikulang ito po, na hindi lang basta isa yung gumawa, tulungan po talaga.”

Gaganap din sa mahahalagang papel sa Unspoken Letters sina Gladys Reyes, Glydel Mercado, Tonton Gutierrez, Matet de Leon, Simon Ibarra, Daria Ramirez, Deborah Sun, Orlando Sol, John Heindrick, Christine Samson at MJ Manuel.

Hindi man nakapasok sa Metro Manila Film Festival bilang entry ang Unspoken Letters ay happiness na rin dahil mas mapapaaga na ang showing nito sa mga sinehan sa December 13.

Ang Unspoken Letters ay sa panulat at direksyon ni Gat Alaman na siya ring executive producer ng pelikula, co-director naman niya si Paolo Bertola at associate director si Andy Andico.

Mula ito sa Utmost Creatives Motion Pictures.