Advertisers

Advertisers

Coffee farmers sa S. Kudarat tinulungan ni Bong Go

0 4

Advertisers

Patuloy na nagsusulong ng pagpapalakas ng mga sistema ng suporta sa agrikultura, binisita ni Senador Christopher “Bong” Go, sa pakikipag-ugnayan kay Gobernador Datu Pax Ali Mangudadatu, ang mga magsasaka ng kape sa Isulan, Sultan Kudarat at binigyan sila ng mga kinakailangang tulong.

Idinaos ang relief activity sa Provincial Capitol grounds, higit-kumulang 400 magsasaka ang nakatanggap ng mga kamiseta at bola para sa basketball at volleyball. May mga nakatanggap din ng mobile phone, relo at pares ng sapatos mula sa senador.

Bukod dito, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay nagbigay ng livelihood grants sa mga kwalipikadong benepisyaryo.



Miyembro ng Senate Committee on Agriculture, patuloy si Go na nagsusulong para sa pagpapalakas ng mga sistema ng suporta sa agrikultura

Ani Go, malaki ang kontribusyon ng mga magsasaka sa pagpapanatili ng seguridad sa pagkain.

“Dapat po masaya ang ating mga magsasaka. Dapat po ay kumita ang ating mga magsasaka. Sila po ang dapat suportahan ng gobyerno,” idiniin ni Go.

“Napakaimportante na walang magutom. Sikapin nating bigyan ng karampatang suporta at proteksyon ang ating mga maliliit na magsasaka na kumakayod araw-araw para masigurong may pagkain sa hapag-kainan ng bawat pamilyang Pilipino,” dagdag niya.

Si Go ang isa sa may-akda ng Republic Act 11901, o ang Agriculture, Fisheries and Rural Development Financing Enhancement Act of 2022, na nagpahusay sa istrukturang pinansyal na sumusuporta sa agrikultura, pangisdaan, at pag-unlad sa kanayunan.



Bukod dito, siya rin ang co-sponsor at co-author sa Senado ng RA 11953, na kilala rin bilang New Agrarian Emancipation Act.

Inihain din ng senador ang Senate Bill No. (SBN) 2117 na naglalayong tiyakin ang masusing crop insurance protection sa mga benepisyaryo ng repormang agraryo.

“Nais kong hikayatin ang lahat ng lingkod-bayan na makiisa sa pagtulong sa ating mga magsasaka. Ang kanilang mahalagang papel sa ating pagkain at ekonomiya ay hindi matatawaran. Suportahan natin sila sa pamamagitan ng pagpapalakas sa kanilang sektor at pagpapalaganap ng mga programa na tutugon sa kanilang pangangailangan,” giit ni Go.

Hinikayat din ni Go, chairperson ng Senate Committee on Health and Demography, ang mga magsasakang may problema sa kalusugan na gamitin, kung kinakailangan, ang serbisyo Malasakit Center na matatagpuan sa Sultan Kudarat Provincial Hospital sa bayan.

Ang programang Malasakit Centers ay nagbibigay ng one-stop shop na serbisyo upang tulungan ang mga mahihirap na pasyente sa kanilang mga gastusin sa pagpapagamot.