Advertisers
Kaiiba na ang Land Transportation Office (LTO) ngayon. Malaki na ang pagbabago—ipinaiiral na talaga ng ahensya ang batas at ramdam na ramdam ito ng mamamayan hindi lamang sa pagbibigay ng lisensya sa pagmamaneho kung hindi sa pagtulong sa pedestrians na biktima trahedya sa lasangan at iba pa.
Kapag LTO ang pinag-uusapan noon, naku po…wasak na wasak ang imahe ng ahensya. Hindi ko na kailangan pang idetalye kung ano ang imahe ng LTO noon, pero ilan sa sumisira sa ahensya noon ay ang mga “fixer” kasabwat ang ilan kawani ng ahensya. Bagamat may nakalulusot pa rin pero isolated na lang dahil sa pinaigting na giyera laban sa mga salot na ito. Marami na rin ang nadakip at nakasuhan na fixer at may mga kawani din na hinuli sa pakikipagsabwatan.
May mga opisyal din na sinibak sa posisyon o sinuspinde dahil sa kapabayaan o ‘ika nga command responsibility.
Naging kaiiba na ang LTO dahil sa sinserong pagpapatupad sa iba’t ibang programa ng ahensya para sa mamamayan sa ilalim ng pamunuan ni Assistant Secretary (Atty.) Vigor D. Mendoza….at dahil din sa suporta ng mga kawani at opisyal sa program ani Mendoza kaya nagtatatagumpay ang LTO.
Ilan sa patunay na serbisyo na naramdaman ng mamamayan sa LTO ay ang pagtulong sa mga pedestrian na biktima ng mga trahedya sa lansangan kung saan ay tinatanggalan o sinusupinde ang lisensya ng driver. Mayroon din mga binawian ng driver’s license dahil sa road rage cases at iba pa.
Bukod dito, marami-rami ding mga kolorum na hinuli, hindi lamang sa Metro Manila kung hindi sa bawat sulok ng bansa. Naging matagumpay ang kampanya sapagkat suportado ng mga regional director ang giyera ni Mendoza laban sa mga kolorum. Naging katuwang din ng LTO ang Philippine National Police (PNP) sa kampanya.
Heto nga, isa sa pinakahuling inaksyonan ni Mendoza ay kaugnay sa trahedya sa lasangan sa Pampanga na ikinasawi ng apat na menor de edad. Sinuspinde ni Mendoza ng 90-araw angh driver’s license ng truck driver na nakapatay sa apat na magkakapatid.
Sa kautusan ni Mendoza, epektibo ang preventive suspensyon ng Isuzi Forward truck driver sa oras na matapos ang imbestigasyon ng LTO Central Luzon na pinamumunuan ni Ret. PNP Brig. Gen. Ronnie Montejo.
Bilang tugon sa direktiba, inilabas na rin ni Montejo ang show cause order laban sa driver na residente ng Himalayan City sa Negros Occidental.
Sa imbestigasyon ng pulisya na isinumite kay Montejo, sakay ang mga biktima ng isang “kolong-kolong” na minamanerho ng ama ng mga biktima nitong Nobyembre 22, 2023 dakong 10:30 ng gabki sa Porac-Angeles RoaD, Brgy. Manibaug Pasig, Porac, Pampanga.
Ang kolong-kolong ay nasa gitna ng kalsada nang naghihintay ng pagkakataong lumiko sa kaliwa pauwi nang mabangga ng truck sa likuran bahagi. Namatay noon din ang dalawa sa mga bata habang binawian ng buhay naman sa ospital ang dalawa pa.
Ang trahedyang ito ay hindi pinalampas ni Mendoza kaya, agad na nagbaba ito ng kautusan – isang masusing imbestigasyon at pagsuspinde sa lisensya ng driver.
Sa hakbanging ito ng LTO, dama ng mamamayan ang serbisyo o paglilingkod sa kanila ng ahensya – kung saan makikitang hindi lang pang-lisensya ang LTO kung hindi tumutulong din sa pagbibigay hustisya sa mamamayan.