Advertisers
Ni JOVI LLOZA
BILIB si Lotlot de Leon sa anak na si Janine Gutierrez dahil isa na itong award winning actress.
Si Lotlot kasi ang tumanggap ng kanyang acting award sa Bakit Di Pa Sabihin with Paulo Avelino kamakailan para sa 6th Eddy’s Awards.
Na-proud si Lotlot sa anak dahil nagbunga na ang paghihirap nito at nakatanggap nga ng acting award na pinapangarap ng mga artista
Sa pag-amin ni Lotlot, nakikita nitong masaya ang kanyang anak at puwede naman daw maging happy kahit single ka or not single.
Bukod sa pagkabilib ni Lotlot sa anak sa pagkapanalo ng award, may isa pang kinabiliban si Lotlot kay Janine.
At ito ngang iyong paghawak ng sitwasyon ng intriga or pamba-bash.
As in, nakaya raw nitong huwag patulan at dedmahin ang mga bato ng intriga.
Bagkus ay nagawa nitong dedmahin ang lahat ng namba-bash sa anak.
***
KNOWS naman na hands on si Iza Calzado sa pag aalaga sa kanilang unang supling ni Ben Wintle na si Deia.
Ngayon nga na 1 year na old na ang kanilang baby ay ayaw itong iwan ni Iza nang matagalan.
Kaya if ever ay talagang choosy na siya sa paggawa ng project dahil sa anak.
Gusto raw ni Iza na makita ang paglaki ng kanyang anak.
Gagawa pa rin daw siya ng project pero di na muna ng serye.
Mahirap daw ang serye na di alam kung kailan magtatapos.
Kaya open siya na gumawa ng film or pelikula na tulad ng SRR na six days lang ang ginugol nito para sa kanyang eksena.
Kung sakaling gagawa muli ito ng serye, gusto anya nito ay aksyon tulad ng Darna.
As of now, stop muna sa paggawa ng teleserye si Iza at kung film ay ubra pa.
Well, well, well… ‘Yun na!