Advertisers

Advertisers

LA pinag-pray na makasama sa movie si Maricel

0 8

Advertisers

By Rommel Placente

AMINADO si LA Santos na may panghihinayang siyang naramdaman nang hindi napili sa MMFF 2023 ang pelikulang pinagbibidahan nila ni Maricel Soriano na In His Mother’s Eyes, mula sa 7K Entertainment.

Sabi ni LA, “Siyempre nanghinayang, ‘di mawawala ‘yun pero at the same time I’m really happy with the movie.



“Parang ako, nung time na ginagawa namin yung movie, sa isip-isip ko Metro Manila filmfest man o hindi, okey lang kasi maganda naman talaga ‘yung movie, e.

“Saka itong movie na ito galing sa puso naming lahat kaya para sa akin, anuman ang mangyari, ibinigay namin ang buong puso namin.”

Sa tanong naman na kung hindi ba siya kinakabahan dahil hindi pa rin gaanong bumabalik sa sinehan ang mga manonood at mas gusto pa rin ng mga ito na manood sa streaming platforms tulad ng Netflix at Vivamax.

“Yes given na naman yun na may online platforms ngayon, pero di naman ako kinakabahan dahil dun, kasi yung movie, it will bring up itself.

“Alam ko naman na after theatrical, online din naman ang bagsak nito,” paliwanag pa ni LA.



Sa In His Mother’s Eyes ay gumaganap si LA bilang si Tim, na anak ni Maricel na isang special child. Sobrang happy ang singer-actor na natupad ang wish niya na maging nanay sa isang pelikula ang Diamond Star.

“Grabe, kung alam niyo lang, umiiyak ako gabi-gabi kasi habangbuhay ko na pinangarap yun.

“Kung alam nyo lang, three years ago, many years ago, minanifest ko talaga na sana maging nanay ko si Ms. Maricel. “Nagpe-pray ako kay Lord, ‘Sana bigyan nyo po ako ng role na special na si Ms. Maricel ang mommy ko.

“Kasi parang may pagka-life story ko na rin yung story dati kaya very special siya talaga para sa akin.

“Siyempre hindi na mawawala yung pressure pero at the same time mas nangingibabaw yung pagiging thankful ko kasi alam ko na di lahat nabibigyan ng chance na ganito at ayoko rin namang i-take for granted yun.

“I tried to be very respectful about it lalo na sa lahat.

“Masaya, e. Love ko talaga yung work ko na ito kaya buong puso ako nagpapasalamat.”

Ang In His Mother’s Eyes ay mula sa direksyon ni FM Reyes. Kasama rin sa pelikula ang mahusay na komedyante na si Roderick Paulate. Showing na bukas, November 29 ang In His Mother’s Eyes.

***

NAKATUTUWA naman itong not-so-young actor na ito, marunong siyang magpigil sa  sarili.

Ayon kasi sa kwentong nakarating sa amin, nang minsang nag-show sila sa isang malayong probinsiya ng kanyang ex ay magkasama sila sa iisang kwarto at magkatabing matulog.

Gustung-gusto na raw ni not-so-young actor na galawin  ang kanyang ex dahil  sila lang naman ang nasa kwarto at galit na rin ang kanyang kargada. Pero yun nga kinontrol niya ang kanyang sarili, na kung gugustuhin niyang galawin ang kanyang ex ay alam niyang papayag ito.

Mahal na mahal naman daw kasi si not-young-actor ng kanyang ex.

Sino si young actor at kanyang ex? Pareho silang produkto ng isang artista search noon sa isang telebisyon.

Si not-so-young actor ay may asawa na, na hindi taga-showbiz at dalawa na ang anak.

Ang kanyang ex naman ay mula sa ibang bansa na sumikat sa atin after niyang sumali sa artista search. Nagkaroon ito ng ka-loveteam na hindi naman nagtagal dahil nag-away sila nito, na naging dahilan para buwagin na lang ng kanilang mother studio ang kanilang tambalan.

Dahil dito, nag-decide ang ex ni not-so-young actor na bumalik na sa kanyang hometown at doon na lang ipagpatuloy ang kanyang career. Sumali siya sa isang grupo na sumikat doon pero nagdesisyon na magsolo na lang at sikat ito ngayon sa bayang kanyang sinilangan.