Advertisers

Advertisers

Lagusnilad Underpass muling binuksan ni Mayor Honey sa publiko

0 8

Advertisers

EKSAKTO sa pagsisimula ng Kapaskuhan sa Maynila, muling binuksan sa publiko ni Manila Mayor Honey Lacuna nitong Martes ng umaga, Nov. 28 ang Lagusnilad Underpass saTaft Avenue, Ermita, Manila matapos na ito ay sumailalim major rehabilitation ng ilang buwan.

Kasama sina Vice Mayor Yul Servo, City Engineer Armand Andres, Chief of Staff Joshue Santiago, Congressman Irwin Tieng at Manila Police District (MPD) Director Arnold Thomas Ibay, at iba pa, personal na pinangunahan ni Lacuna ang reopening ng nasabing underpass at inanunsyo na ang pumping system ay sasailalim din sa upgrade.

Ayon kay Lacuna, ang reopening ng Lagusnilad ay magpapagaan sa galaw ng trapiko para sa motorista dahil ang nasabing underpass ay isang major thorougfare na daanan ng mga motorista patungo sa kanilang mga shopping destinations na namimili ng mga panregalo sa mga lugar tulad ng Divisoria at Quiapo



Sinabi pa ng alkalde, ang newly-rehabilitated underpass ay iilawan sa magkabilang gilid, bukod pa sa inilagay na mga solar studs sa concrete flooring, upang tiyakin na ligtas ang mga motorista na nagdaraan.

Dahil sa Lagusnilad redevelopment, sinabi ni Lacuna na: “Pag umulan, inaasahan nating hindi na ito babahain at magluluba-lubak. Tinaasan din natin ang semento at hindi po ito aspalto lamang.”

Nabatid na sa kabila na ang Lagusnilad ay bumabagsak sa ilalim ng national government, ang local government ay gumawa na ng inisyatibo na kumpunihin ito dahil na rin sa mga reklamo ng mga motirista na nahihirapan sa pangit na kalagayan ng underpass.

“Tumulong lang kami kasi kami ang laging nasisisi,” buntunghininga ng alkalde. Nagsimula ang trabaho sa underpass noong Mayo.

Nabatid sa lady mayor na sinagot ng city government ang P50 million habang ang tanggapan ni Rep. Tieng ay nag-ambag ng P20 million.



Sinabi pa ng alkalde na si Tieng ay nangako na magbibigay pa ng P100 million additional budget na gagamitin sa upgrading ng pumping system. Ito ay dahil sa ang underpass ay below sea water level kaya madalas ang pagbaha.

Ayon naman kay Andres, ang Lagusnilad ay sumailalim sa total upgrade sa pamamagitan ng concreting, drainage system improvement, curing, waterproofing, at iba pa.

Tulad ng dati, sinabi ni Lacuna na lahat ng klase ng sasakyan ay maaaring gumamit ng underpass at mananatili itong bukas kahit ang pumping system nito ay sumasailalim sa upgrade.

Sinigurado din ng alkalde sa lahat ng mga residente ng Maynila na tuloy-tuloy ang pagpapaganda ng mga kalye sa lungsod. (ANDI GARCIA)