Advertisers

Advertisers

Lasing na driver sinalpok 2 motorsiklo: 4 patay!

0 6

Advertisers

NASAWI ang apat katao nang salpukin ang dalawang motorsiklo ng van na minamaneho ng lasing sa bahagi ng Barangay Kayaga, Kabacan, Cotabato, Lunes ng gabi.

Nasawi sa naturang aksidente ang mga motoristang magkaangkas sa dalawang motorsiklo na sina Mohaimen Maguling Bangkailan, Almina Mato Bangkailan, Nasser Mansag Cadulong at Kalya Sacandal.

Kinumpirma ng Kabacan Municipal Police Station, na pinamumunuan ni Major Maxim Peralta, na gumewang-gewang muna ang van na minamaneho ng lasing na si Marcelino Zacaria bago ito napunta sa kabilang linya ng highway sa Sitio Lumayong, Barangay Kayaga at nasalpok ng harap-harapan ang dalawang motorsiklong kasalubong.



Agad na pinasuri sa mga manggagamot ng mga imbestigador ng Kabacan MPS ang driver ng van nang mahalatang lasing ito, at nabigyan agad sila ng medical certificate na totoong lango ito sa alak nang maganap ang aksidente.