Advertisers

Advertisers

Mangingisda dumaranas ng depresyon, nagbigti

0 10

Advertisers

Nagbigti ang 27-anyos na mangingisda dahil sa matinding depresyon sa Navotas City.

Batay sa isinumiteng ulat kay Navotas Police Chief P/Col. Mario Cortes, 7:00 ng gabi nang matuklasan ng kanyang 51-anyos na ina ang biktimang si alyas “Nel” na nakabigti sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Tanza 1, Navotas City.

Sa report, ginamit ng biktima sa pagbigti ang kadena ng kanilang aso na ipinulupot sa kanyang leeg habang nakatali ang dulo sa pamakuan ng kisame.



Kaagad kinalas ng ina sa pagkakabigti ang anak subali’t huli na dahil wala na din buhay ang biktima kaya hindi na ito dinala sa ospital at humingi nalang ng tulong sa mga pulis.

Inaalam pa ng pulisya kung may foul play sa pagkamatay ng biktima na sinasabing dumaranas ng matinding depresyon na ilang araw ng napapansin ng ina na walang kibo at malungkot.(Beth Samson)