Advertisers

Advertisers

Richard at Sarah tikom pa sa tunay na estado ng relasyon

0 15

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

NAAAWA ang talent manager at kolumnistang si Lolit Solis kay Andrea Brillantes dahil sa mga kontrobersyang kinasasangkutan ngayon ng young actress. Isa na nga rito ang sinasabing siya ang dahilan kung bakit naghiwalay na umano sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, although wala pa namang kumpirmasyon na break na nga ang KathNiel.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Manay Lolit ang kanyang opinyon/saloobin hinggil sa pinagdaraanan ni Andrea.



Sabi ni Manay Lolit,”Salve alam mo bang naaawa ko kay Andrea Brillantes dahil sa mga sinasabi at iniisip ng mga tao sa kanya. Iyon bang tumatak na iyong mga controversy na nagawa niya at ngayon tuloy iniisip nila na ganuon nga talaga si Andrea sa tunay na buhay,” saad ni Lolit.

Ngunit sa kabila raw ng ng kontrobersyang kinakaharap nito ay nakatulong pa ito sa “personalidad” ng dalaga.

“Pero siguro iyon controversy na iyon ang nagbigay ‘hotness’ sa personality niya. Alam mo bang crush siya ng mga teenagers na lalaki at para sa kanila siya ang pinaka ‘yummy’ youngstar sa ngayon,” pagpapatuloy pa ni Lolit.

“Parang naging way pa para isipin ng mga teenagers na very hot at liberal si Andrea kaya number 1 sa listahan ng mga crush nilang youngstars. Iba rin ang dating niya, parang young boldstar na pang teeners. Kaya naman very yummy siya sa mga mata ng mga kabataan,” sey pa ni Lolit.

Samantala, hiling naman ni Manay Lolit na sana sa totoong buhay ay hindi totoong wild ang imahe ni Andrea.



“Sana nga hindi sa tutoong buhay ang mga pagiging wild ng image ni Andrea dahil sayang. Isa siya sa pinaka-promising na youngstar sa ngayon. Maganda at talented kaya naman crush ng bayan. Bongga di bah Salve at Gorgy,” hirit pa ni Lolit.

***

TIKOM pa rin kapwa ang mga bibig nina Richard Guttierez at Sarah Lahbati tungkol sa sinasabing hiwalayan nila. Hindi pa rin sila nagbibigay ng pahayag tungkol dito. Sana ay magsalita na sila para matapos na ang isyu sa kanila, o ang spekulasyon na hiwalay na sila. Sabihin na nila kung ano ang totoo tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon, kung sila pa rin ba talaga, o talagang nagkanya-kanya na sila ng landas. Pero kung ayaw pa rin nilang magbigay ng pahayag, prerogative naman nila yun, ‘di ba?

Pero sana nga ay hindi pa sila hiwalay. Sana ay may pinagdadaanan lang sila, at maayos nila ‘yun. May dalawang anak na kasi sila at iba pa rin ang buo ang isang pamilya, ‘di ba?

Ang mga magulang ni Richard na sina Tita Annabelle at Tito Eddie ay nananatiling matatag ang pagsasama, at hanggang ngayon ay sila pa rin. Pero aminado naman si tita Annabelle na dumaan din sa maraming pagsubok ang pagsasama nila ni tito Eddie before, pero nagawa nilang maka-survive. Sana ganoon din sina Richard at Sarah. Sana nga kung hindi pa talaga sila hiwalay at may pinagdadaanan lang ang kanilang relasyon ay maagapan/maayos pa rin nila ‘yun.