Advertisers

Advertisers

Vilma at Maricel inaabangan na ang collab sa vlog; Baron ‘tinamaan’ kay Gary V

0 7

Advertisers

Ni BETH GELENA

KILALA si Baron Geisler noon na pasaway na actor.

Pawang negativity ang nasusulat sa kanya.



But despite that ay isa siyang napakahusay na actor at hindi iyan maitatanggi ng mga kumukuha sa kanyang producer at direktor.

Alam ni Baron na matigas ang kanyang ulo dahil sa bote ng alak

Naging alcoholic siya at dumating sa puntong na-rehab ang aktor.

After niyang ma-recharge sa center ay nabago na ang mundo niya.

May mensahe si Gary Valenciano sa actor.



Ipinost naman ito ng actor sa kanyang Instagram Page.

Ang message ni Mr. Pure Energy, ‘I was humbled at your desire for me today  a prayer for you when we were at ABS to shoot for the Christmas Station ID.”

Shinare ng actor sa kanyang Instagram Page ang mensahe ng singer.

Humingi ng paumanhin si Baron kay Gary V for posting the private conversation.

Ayon sa actor, hindi niya maiwasang i-post ang message dahil ang lakas daw ng impact sa kanya nito.

Nag-message rin ang Senior High actor, “You made my day a little extra special Sir @garyvalenciano. I apologise for posting this, could not help it. Been a fan for decades sir. Thank you so much for encouraging me to streangthen my faith in Jesus. #asironsharpensiron #hallelujah,” aniya.

***

NAGSAMA-sama ang tatlong grupo ng fans ng Star For All Seasons —  Vilma Santos Solid Int’l. (VSSI) headed by Jojo Lim, Silent Vilmanians (SILVI) headed by Marcelino Santos, at Vilma Santos Friends Forever Intl (VSFFI) headed by Willie Fernandez, last November 25 na ginanap sa isang restaurant sa Quezon City.

Sa fans day ni Ate Vi noong Sabado, sinamahan siya ng co-stars sa When I Met You In Tokyo  na sina Christopher de Leon, Tirso Cruz III, Lynn Cruz at John Gabriel.

Naroroon din ang JG Producers  ng WIMYIT kung saan nakisaya sila sa fans ng Star For All Seasons.

Nagbigay sila ng cash para ipa-raffle sa mga tagahanga.

“It’s been a while since my last fans day. Antagal na, six years na yata. Ngayon lang, kasi naman, three years yung pandemya,” lahad ni Ate Vi.

Sey ng Star For All Sasons, “Wala pa naman yung pelikula, plinano ko na yung fans day. Wala pa yung When I Met You In Tokyo, plano na talaga naming magkaroon ng fans day after the pandemic.

“Nagkataon lang na napili kami sa MMFF. So, tinaon na rin namin! Pagkakataon na rin namin na magmi-meet kami and at the same time, makita rin yung pamilya ko ng When I Met You In Tokyo.”

Nagkaroon ng tsansang matanong si Ate Vi kung ano na ang nangyari sa collaboration vlog nila ni Maricel Soriano.

“Siguro after nitong lahat… kasi busy rin siya, e, promoting her movie. So maybe after nito, vlog naman kaming dalawa.

“Sa vlog ko at sa vlog niya. Maybe after ng showing ng mga pelikula namin, baka ang sunod naman namin, yung vlog namin sa isa’t isa.

“Sa akin at sa kanya. Mag-iisip kami ng content namin na mag-e-enjoy ang tao.”