Advertisers

Advertisers

KAON NA KAON SA PAYOLA SA PNP REGION 3!

0 38

Advertisers

Matindi ang sitwasyon sa Central Luzon area pagdating sa iligal na sugal.

Sakop ito ni PNP region 3 director, BGen. Jose Hidalgo Jr.

Binubuo ito ng pitong (7) malalaking probinsiya ng Aurora,Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga,Tarlac at Zambales.



Kung baga,jackpot pala talaga itong si General Hidalgo dahil isa pala ang kanyang command sa ” juiciest” position sa PNP in terms of intelihensiya (payola).

Paanong di magkakaganito eh lima (5) na kupal na bagmen pala ang nakapulupot at naglulungga sa pundya ni Gen.Hidalgo.

Ang mga ito ay sina alias Delfin Parak, Raniel, Fajardo, Patrick at Mercado na lahat ay abala sa pangungulekta ng “goodwill” kuno para kay Gen.Hidalgo.

Ang “goodwill” ay common term para sa kapulisan mula sa mga kinokotong sa gambling operators.

In short payola ito mula sa illegal gambling operation.



Ang mga units ng ipinangungulekta ay ang RSOG,CIDG, NAPOLCOM, DILG, R2 at S2 na balon ng Intelihensiya na pinagkukunan ng anim na KOLEKTONG na ito.

Garapal at gasgas na gasgas ang pangalan ni Gen.Hidalgo sa pangungutong na ito ng anim na kupal na KOLEKTONG.

Mga carnaval operators at mga peryante na binubuo ng 17 butas ang lingguhang tinatalbusan ng mga nagpapakilalang designated bagmen ni RD Hidalgo.

Kahit bingohan ay hinihingian ng timbre ng mga buwayang tauhan umano ni Gen.Hidalgo.

Tatlong daang libong piso (300K) ang kabuuang total na koleksyon linggu- linggo ang hinahakot ng 5 na kolokoy na bagmen ni Hidalgo.

Bukod ito sa mahigit kalahating milyong pisong goodwill na kahaharbat lamang ng grupo umano ng kupal na si alias Parak.

Pinakamaingay sa mga umaatungal ay ang mga carnaval operators ng Bamban, Tarlac at ng Mabalacat, Guagua, Bacolor, Sasmuan, San Fernando, Angeles at Candaba sa Pampanga.

Mga perya operators naman ng Bulacan at Zambales ang ginagawang palabigasan ng mga kolektor na pulis ni Gen.Hidalgo.

Kung ganitong “kaon na kaon” pala sa intelihensiya ang mga taga PNP Region 3,paano pa ang iba pang regional commands partikular na ang Region4A ni Gen.Paul Kenneth Lucas at NCRPO na anytime from now ay lalargahan na ang operasyon ng mga pergalan at iba pang uri ng sugal- lupa.

December 4 daw umano ang target date sa NCR para ilarga ang mga paglalatag ng mga sugalan. samantalang “OPEN” na ang lahat ng puwesto ng iligal na sugal sa CALABARZON.

A day after ng retirement ni outgoing PNP chief, Gen.Benjamin Acorda Jr.

More on this issue sa mga susunod nating pagbira.

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com