Advertisers

Advertisers

PBBM ADMINISTRATION ISASABOTAHE NG DDS?

0 75

Advertisers

Tila isang matinding virus na kumakalat ngayon ang hinggil sa DESTABILIZATION PLOT na umano’y pinopondohan ng MAINLAND CHINA ang ilang DIEHARD DUTERTE SUPPORTERS (DDS) upang isabotahe ang kasalukuyang administrasyon ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR.., na kinakailangang seryosohin ito ng ating mga GOVERNMENT OFFICIAL upang masupil ang masasamang elemento at mapanatili ang buong pagsuporta ng sambayanan sa kasalukuyang administrasyon.

Sa isang radio program ay nainterbyu si SENATOR JOSEPH VICTOR GOMEZ EJERCITO o “JV EJERCITO” at naihayag nito na may ilang sangay ng DDS ang umano’y nagsitungo sa CHINA at dalawang linggong namalagi sa CHINA ang nasabing grupo.., ang mga ito raw ang pinondohan para maglunsad ng DESTABILIZATION sa kasalukuyang administrasyon base sa INTEL REPORT na nakalap ng naturang SENATOR.

Kamakailan naman ay ibinulgar ni FORMER SENATOR ANTONIO TRILLANES IV na ang mga OFFICIAL at PERSONNEL ng ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES (AFP) ay binubura na raw ang kanilang mga litrato na kasama si FORMER PRESIDENT RODRIGO DUTERTE na naka-fist bump upang hindi umano sila maakusahang  kasabwat ng DESTABILIZATION PLOT ng huli laban sa kasalukuyang MARCOS ADMINISTRATION.



Maging ang SAMAHANG KAAGAPAY NG AGILANG PILIPINO (AGILA PARTYLIST) sa pangunguna ni CHAIRPERSON JHOLŐ GRANADOS ay naglabas ng kanilang OFFICIAL STATEMENT hinggil sa pagkondena sa napapabalitang destabilisasyon na anila ay hindi makakatulong sa ating bayan na ngayon lang bumabangon mula sa panahon ng pandemya.

“Sa ganitong mga panahon qy pagkakaisa ng bawat Pilipino ang kinakailangan na may isang Pinuno ng Kapulisan na may paninindigan para sa Taong Bayan kaya naman aming sinusuportahan na manatiling Chief PNP si General Benjamin Acorda Jr.

Muli ang aming panawagan PAGKAKAISA hindi DESTABILISASYON,” bahagi sa OFFICIAL STATEMENT ng AGILA PARTYLIST.., Teka, dahil paretiro na si CHIEF PNP ACORDA at ang next o second to the rank ay ang “bata” o malapit kay FORMER PRES. DUTERTE na si LT. GENERAL RHODEL SERMINIANO ay inaagapan nang huwag mapapuwesto ang mga malapit sa FORMER PRESIDENT?

May mga humuhugong din na may mga LOCAL DRUG SYNDICATES ang pinondohan ng INTERNATIONAL DRUG SYNDICATE oara magparami ng ILLEGAL DEUG SUPPLIES sa bansa upang masira ang imahe sa ALL OUT WAR AGAINST ILLEGAL DRUGS na isinasagawa ng kasalukuyang administrasyon.

Ang ARMADONG OPERATIBA NG PARTIDO MARXISTA- LENINISTA NG PILIPINAS sa pangunguna ni PARTISANO NATIONAL OPERATIONAL COMMAND LENI KATINDIG ay nananawagan din sa lahat ng uring manggagawa at mamamayang nagmamahal sa bansa na huwag umanong pahintulutan ang planong destabilasasyon ni “DIGONG” at ng kanyang mga kasabwat.



Sa opisyal na panawagan ng PARTISANO na may petsang November 28, 2023 ay kanilang ipinunto na umagos na umano ang pondo mula sa China, mga negosyante na nais makabalik sa pagkontrol ng mga negosyo, at ang kartel ng iligal na droga para maglunsad ng kaguluhan sa ating bansa. Ang nangunguna sa pagpapatupad ng kanilang plano ay ang mga tauhan ng dating Pangulong Rodrigo Duterte at mga korap na mga politiko at umiikot na upang kumbinsihin na sumali ang mga tauhan ng AFP at PNP.

Anila, ang PARTISANO ay tumitindig na nararapat lang na hadlangan ang ano mang porma ng destabilisasyon. Kinakailangang kumilos ang mamamayan upang biguin ang kanilang plano na halata naman umanong ang kampo ni DUTERTE lang ang makikinabang.

Ang ganitong mga impormasyon ay dapat na seryosohin ng kasalukuyang administrasyon.., lalo na ang ibinunyag ni SEN. JV EJERCITO  ay dapat makilala kung sino-sinong mga DDS ang sinasabing nagsitungo sa CHINA para maging kasabwat sa pagpapabagsak sa kasalukuyang administrasyon.., na 2 linggo umanong namalagi sa CHINA for INDOCTRINATION sa paghahasik ng mga kasiraan na maibibintang sa gobyerno.

Mga ka-ARYA.., sa ganitong mga sitwasyon ginagamit ang INTELLIGENCE FUND upang makakalap ng mga matitibay na impormasyon ang mga TRUSTED OFFICIALS ni PRES. BONGBONG MARCOS JR.., kinakailangang matukoy kung sino ang mga FINANCIER at kung kani-kanino idinadaan ang mga pondo sa mga kasabwat na DDS.

Ang punto ng ARYA.., ang kasalukuyang administrasyon ay ibinoto ng mayoryang sambayanan na dapat ay suportahan ng buong mamamayan tulad sa naging pagsuporta ng mamamayan sa naging administrasyon noon ni FORMER PRES. DUTERTE.., ika nga, ang dapat suportahan ng buong sambayanan ay ang ADMINISTRATION ngayon ni PRES. FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR.!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.