Advertisers

Advertisers

SUGAL PATULOY NA NAMAMAYAGPAG SA ORIENTAL MINDORO

0 8

Advertisers

SA kabiguang masugpo ng kapulisan sa Police Regional Office MIMAROPA at Orienatl Mindoro PNP ang operasyon ng iligal na sugal tulad ng STL bookies cum jueteng at ibang uri ng krimen tulad ng pagpaslang sa aming kasamang si Cris Bunduquin radio broadcaster na isa rin sa tumutuligsa sa sugal na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakamit ang minimithing hustisya maging ang diumanoy napaulat na gumagalang serial rapies, ay nanawagan ang grupo ng anti-vice crusaders kina Philippine National Police (PNP) Chief Benjamin Acorda Jr. at DILG Secretary Benhur Abalos na sugpuin ang pamamayagpag ng sugal sa naturang probinsiya.

Ayon sa grupo, ang operasyon ng Small Town Lottery (STL) cum jueteng, at iba pang uri ng sugal, ay labis nang nakaka-apekto sa mga residenteng nangangamba at nabubulabog sa lantarang pagpapataya ng mga kubrador ng jueteng sa lalawigan ng Oriental. Higit sa lahat, ito ang sanhi ng pagkagumon sa bisyong pagsusugal na nakasisira sa pamilya at moralidad.

Ayon sa ilang residente na naka panayam ng inyong lingkod, hiling nila tuldukan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at DILG Secretary Benhur Abalos ang “unholy alliance” ng mga tiwaling miyembro ng PNP, Pulitiko at vice lords.



Ang illegal gambling sa nabanggit na lalawigan, ay napakatagal na, pero dahil na rin diumano sa bendisyon ng ilang korap na opisyal sa Police Regional Office 4-B at Oriental Mindoro Police Provincial Office kaya patuloy itong namamayagpag at ‘di nahihinto, bagkus ay lalong lumala ang operasyon kapalit ng milyones na ligguhang suhol.
Ayon sa grupo, kaduda-duda rin ang pagiging “tameme” ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director, MGen. Romeo Caramat, sa ‘di pag- aatas sa kanyang mga operatiba na hulihin ang mga operator ng sugalan bilang “premier investigating at operating unit” ng PNP, sila ang inaasahan ng sambayanan na susupil sa mga lumalabag sa batas.

Unang-una na tinukoy ng anti -vice crusaders ang ‘di masawa-sawatang operasyon ng STL bookies cum-jueteng sa Oriental Mindoro na pinatatakbo ng ilang maimpluwensiyang pulitiko.

Patuloy na namamayagpag sa lalawigan ni Governor Humerlito “Bonz’ Dolor at Oriental Mindoro Provincial Director PCol Samuel Delorino ang operasyon ng Jueteng dahil sa proteksyon diumano ng ilang tiwaling opisyal?

***
Suhestyon at reaksyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">