Advertisers

Advertisers

ICC: Iba’t ibang pananaw ng mga bansa hinggil sa kanilang katapatan

0 58

Advertisers

Kung ang bansang Pilipinas ay kasing-bahala o kasing-abala tulad ng mga kasapi o kaanib sa International Criminal Court na naka base sa The Hague sa Netherlands, nanaiisin na nito sigurong bumalik na sa pagiging kasapi muli. Ang huling administrasyong DUTERTE ay maaalalang bumitiw na sa pagiging miyembro ng karapatang institusyun na ito sa buong mundo.

Ang kasalukuyang administrasyong Marcos ay nagbitiw na ng pahayag na kanilang igagalang ang imbestigasyong isinasagawa ng ICC sa war on drugs ng dating Presidente Rodrigo Roa Duterte. Ngunit ang buntot ng pahayag nila ay walang kooperasyong magaganap sa gagawing pagkakalap ng ebidensya ng mga tiktik ng ICC upang ang kanilang punto de vista ay mabuo at matuwid nilang panlaban sa dating pangulo at iba pang nasasambit ang pangalan sa drug war na ito na pinaniniwalaang nagugat pa nuong si Duterte ay alkalde pa ng Davao City.

Ang Estados Unidos ay dati na ring bumitaw sa ICC sapagkat ang kanilang mga lider mula pa nuon ay hindi makapapayag na ang isang dayuhang institusyon ay maalwang makapagiimbestiga ng mga kadugo o kalahi nilang Amerikano…mandin sa kanila pang bansa.



Mayroon ding mga bansa na di papayag na sila’y dayuhin para lang imbestigahan sa mga akusasysong kriminal sa kanilang bansa. Dahil sa paniwalang may sarili silang batas na sila rin ang dapat na umusig sa sinuman sa kanilang kababayan o banyaga at ganito rin ang paniniwala ng nakaraang administrasyong Duterte.

Ang ICC ay kilala sa Europa, Americas at sa Africa at maging sa mga 3rd world countries na last bastion of hope and justice. Ito ang sinasandigan nila na siyang makapagbibigay katarungan sa kanilang mga hinaing na hustiya ang isinisigaw.