Advertisers
PINALAYA matapos makapagpiyansa ang kontrobersiyal na opisyal ng Philippine National Police na si Lt. Colonel Mark Julio Abong nang payagan ng Regional Trial Court Branch 221 at Metropolitan Trial Court Branch 31 ng Quezon City na makapagpiyansa ng P177, 000.00 nitong Huwebes.
Para ito sa mga kasong illegal discharge of firearm, paglabag sa gun ban sa ilalim ng Omnibus Election Code, maltreatment, at direct assault na isinampa laban sa kanya ng Quezon City Police District (QCPD) makaraang mag-amok, magpaputok ng baril sa isang bar sa Quezon City kamakailan.
Nabatid na 4:00 ng hapon ng Huwebes nang palayain sa kustodiya ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QCPD ang nabanggit na opisyal.
Nauna nang ipinatanggal ng People’s Law Enforcement Board (PLEB) si Abong dahil sa insidente ng hit and run na ikinamatay ng isang tricycle driver noong 2022.
Inaprubahan narin ni Interior Secretary Benhur Abalos ang dismissal order ng National Police Commission (NAPOLCOM) laban sa opisyal.