38 na bagong frontliners ipupwesto bago mag-Pasko
Advertisers
SINABI ng Bureau of Immigration (BI) na ang mga bagong batch ng immigration inspectors ay kasalukuyang sumasailalim sa academy ng ahensya sa Clark.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, may kabuuang 38 immigration officers, immigration assistants, administrative aides, officers, at fingerprint examiners ang nasa Philippine Immigration Academy (PIA) sa loob ng Clark Freeport Zone.
Ang mga immigration officers ay nakatakdang ipwesto sa frontline sa panahon ng Kapaskuhan, habang ang ibang trainees ay magsisilbing acting immigration officers bilang augmentation teams.
Ang mga bagong pasok ay nagmula sa pinakahuling batch ng mga kawani na kinuha ng ahensya para ma- maximize ang workforce nito.
Maliban sa lectures sa Philippine immigration laws and policies, ang training ay nag-focus din sa soft skills training upang tiyakin na ang frontliners ay makapagbigay ng mas mabuting serbisyo sa traveling public.
“After the issues we have encountered, we saw the need to up soft skills training wherein our frontliners are trained in communication, customer service, and conflict resolution,” sabi BI Commissioner Norman Tansingco.
“This allows for a more holistic training, which we hope would significantly improve our services,” pahayag pa nito.
Ang mga bagong batch ay nakatakdang magtapos sa December 11, at inaasahan na agad na ilalagay sa kanilang puwesto matapos ang graduation. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)