Advertisers

Advertisers

Tama lang bitayin ang ‘guilty’ sa illegal drugs

0 8

Advertisers

DALAWANG Pinoy na may kasong droga ang tinurukan ng lethal injection sa China kamakailan.

Ang dalawa ay kabilang sa apat na Pinoy na nasa death row dahil sa pagkakasangkot sa bawal na gamot, shabu.

Ang dalawang in-execute nitong Nobyembre 24 ay naaresto noon pang 2013 matapos mahulihan ng higit 11 kilos ng shabu.



Ang China ay malupit sa pagpapatupad ng batas laban sa mga iligal na droga. Lahat nang nahatulan ng ‘guilty’ sa bawal na gamot ay pinarurusahan ng kamatayan. Pero hindi inaanunsyo ng Chinese govt. ang bilang ng mga pinarusahan ng kamatayan sa kanilang bansa.

Kaya ang mga Chinese drug syndicate ay sa mga karatig bansa ng China nagkakalat ng mga iligal na droga, sa mga bansa sa Asya na walang parusang kamatayan at ang mga awtoridad at hustisya ay nakokorap tulad ng Pilipinas. Mismo!

Ang pagkabitay sa dalawa nating kababayan na posibleng masundan pa ng dalawa, dahil nasa final review na raw ang hatol sa huli, ay hindi natin dapat kaawaan sapagkat mas maraming buhay ang kanilang winasak at maaring sirain pa kung hindi nadakip ang mga ito. Malamang na hindi lang sa China sila nagkalat ng “basura”, posibleng pati sa Pilipinas kungsaan talamak na ang droga at napakarami nang adik. Oo! Kung sa ibang bansa ay nagawa nilang magtulak, what more kung sa sariling bansa. Right?

Huling nagkaroon ng parusang “bitay” sa Pilipinas noong pangulo si Joseph “Erap” Estrada kungsaan ilang kriminal na naharap sa mga karumal-dumal na kaso tulad ng rape, murder at droga ang naipasok sa death chamber.

Pero nang maging pangulo si Gloria M. Arroyo ay inalis niya ang death penalty dahil narin sa impluwensiya ng simbahan at human rights groups.



Ngayong patindi nang patindi ang paglaganap ng iligal na droga sa bansa, na ang mga nasasangkot ay mismong mga awtoridad, opisyal ng gobyerno partikular politiko, dapat pag-aralan uli na ibalik ang lethal injection tulad ng sa China.

Say nyo, mga pare’t mare?
***

Nagwawala si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa pagkakaapruba sa House Justice Committee ng resolution para payagan ang International Criminal Court (ICC) prosecutors na mag-imbestiga sa nakasampang kaso sa tribunal na ‘crime against humanity’ laban kay dating Pangulo Rody Duterte at sa mga dating opisyal niya kasama na si Bato.

Pero hindi nagpatinag ang komite, itutuloy daw nito ang pagsulong sa resolusyon.

Sinabi naman ng dating senador at eksperto sa batas na si Frank Drilon na hindi na kailangan ni Pangulong “Bongbong” Marcos ang aprubal ng Senado para sa muling pag-miyembro sa ICC. Ibig sabihin nito, mga pare’t mare, sa mga kamay na ni PBBM kung gusto pa niyang maging miyembro uli ng ICC ang Pilipinas matapos kumalas noong 2019 sa termino ni Duterte.

Kaya lang naman kumalas sa ICC ang Pilipinas ay dahil iniimbestigahan nito ang mga kasong isinampa vs Duterte.