Advertisers

Advertisers

WALA YANG ICC

0 4

Advertisers

SI Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang paulit-ulit na nagsasabi na itong International Criminal Court (ICC) ay walang ‘jurisdiction’ para magsagawa ng imbestigasyon sa ‘war on drugs’ ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Inihayag pa ni PBBM na ang gulong ng hustisya dito sa bansa ay gumagana at ginagampanan ang papel nito sa anumang kasong ihahain dito.

Ang kaso, mayroon tayong mga mambubutas, ehem, mambabatas pala na sadyang mga epal. May nagpasa pa ng resolusyon na hinhimok ang pamahalaan na makiisa sa pag-iimbestiga sa dating president ng ICC.



Kung talagang mambabatas ang mga ito, dapat ay tumatanim sa kanilang isipan na hindi tama na taga-labas o’ mga dayuhan pa ang magsasabi sa atin kung ano ang gagawin sa mga ganitong usaping.

Baka nga mambubutas lang ang mga ito, at hindi talaga mambabatas, dahil parang di nila alam ang kanilang mga sinasabi.

Bukod sa hindi ko na sila pangangalangan baka nais lamang sumikat ng mga ito, akin na lamang silang paalahanan. Ang atin mismong mga law enforcement and investigative agencies gaya ng kapulisan, police, National Bureau of Investigation (NBI) at mismong Department of Justice ay yakang-yaka gawin ang imbestigasyong gaya ng ginagawa ng ICC.

Pangalawa hindi tayo nabibilang sa mga bansang kumikilala sa ICC. So, ano ang kinalaman ng ICC sa atin? Di ba. Wala?

Eh bakit pa igigiit ng iilan diyan sa House of Representatives ang panawagan sa pamahalaan na makipag-ugnayan sa pag-iimbestiga ng ICC sa wat on drugs ni Duterte.



Eto pa ha. Wala bang nangyaring maganda sa ginawang laban sa iligal na droga noong panahon ni Duterte? Kahit pa pilitin ng mga mambubutas na mga ito pati na ng ICC na ang pinag-uusapang panahon ay simula pa noong November 1, 2011 nang si Duterte ay Davao City mayor pa hanggang March 16, 2019 sa panahon ng kanyang pagka-pangulo.

Naglipana pa ba sa Davao ang droga magpa-hanggang ngayon, o kahit na sa buong bansa, nakaporma ba ang mga drug lord at naglipana ang droga noong panahon ni Duterte? Di ba, nangatakot lahat pati na ang mga gumagamit o mga drug users?

Kaya wala yang ICC. Huwag niyo nang pag-aksayahan ng panahon. Ang magandang gawin ng mga mambabatas na ito, ay maglinang ng batas paano pa palalawigin ang ating pakikipag-laban sa iligal na droga. Di ba?