Advertisers
Dating nahatulan sa kasong graft o CORRUPTION ay muling nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act No. 3019 si FORMER ENERGY REGULATORY COMMISSION (ERC) COMMISSIONER ALFREDO J. NON na inihain sa OFFICE OF THE OMBUDSMAN ng mga POWER CONSUMER nitong nakaraang Linggo.
Sa pamamagitan ni ATTY. PARIS REAL na siyang ABOGADO ng mga POWER CONSUMER ay ipinunto na si NON ay nagpabaya sa pag-akto na gawin ang ‘regulatory reset process ng MERALCO at iba pang DISTRIBUTION UTILITIES (DUs).
Hindi na ito bago.., dahil si NON ay napatawan na ng OMBUDSMAN ng isang taong pagkakasuspinde “WITHOUT PAY” sa nauna nitong GRAFT CASE sa nasabing Korte.
Sa isa nga nitong kaso ng korupsiyon sa ERC, nagresulta ito sa naging pagpapakamatay ng FORMER ERC DIRECTOR na si FRANCISCO JOSE VILLA JR.
Mga ka-ARYA.., si NON ay naging OFFICER-IN-CHARGE ng ERC mula Hunyo 2015 bago may naitalang bagong CHAIRMAN noong 2017.
Si NON ay siya ring gumaganap bilang Oversight Commissioner na nangangasiwa sa mga ‘public consultations at mga hearing hinggil sa pagpapatakbo ng mga DUs, partikular na sa kung may kinalaman ito sa Performance-Based Rate Setting System.
Sa nabanggit na bagong reklamo sa kanyang panunungkulan bilang In Commissioner.., sinasabing hindi ginampanan ni NON ang kanyang tungkulin para bawalan ang mga DUs sa bansa na mag-update ang mga ito sa kanilang distribution rate “sa loob ng pitong taon.”
“Non is guilty of gross inexcusable negligence due to his repeated inaction and neglect to conduct or cause the ERC to hold the regulatory reset process and determine the rates to be charged without justifiable cause” pahayag ni ATTY. REAL.
Dagdag pa ng abogado sa pagpapabayang iyon ni NON.., hindi narereview ng ERC kung tama ang mga adjustment na ginagawa ng mga DUs kaya nagtaasan ang mga paniningil nito na nagpahirap sa mga consumer.
Kung hindi pa aniya, kumilos ang MERALCO na magrefund ito sa mga consumer noong 2021 ay hindi maiibsan ang paghihirap ng mga customer nito.., dagdag dito ang naging pagsisikap ng kasalukuyang ERC COMMISSIONERS na maresolba ang isyung ito at ang naging kapabayaan ni NON ay hindi katanggap-tanggap ayon kay ATTY. REAL.
Dagdag pa niya.., kahit na nakatapos ang isang opisya sa termino ay may pananagutin pa rin ito, kung siya ay nagpabaya sa kanyang tungkulin noong siya ay naninilbihan pa sa tao at bayan. Hindi rin kinakailangang bigyan pa ng mga benipisyo bagkus ay kasuhan at papanagutin sa batas.
Ang punto rito ng ARYA.., dapat pamarisan ang paghahabol at mapanagot sa mga naging pabaya o naging CORRUPT OFFICIALS hindi lamang sa ahensiya ng ERC.., kundi maging sa lahat ng GOVERNMENT AGENCIES natin na nagpasasa sa kurapsiyon sa halip na pagbutihin at ayusin ang lahat ng problema tungo sa progreso ng sambayanan at hindi sa progresong bulsa ng ilang personalidad.., ika nga habulin at papanagutin ang lahat ng mga naging GOVERNMENT OFFICIAL na NAGPABAYA at naging CORRUPT sa kanilang mga naging termino!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.