Advertisers
ITO Serve and Protect! Ito ang mandato ng humigit-kumulang sa 228,000 na opisyales at kagawad ng Philippine National Police (PNP) na dapat sanang naisasakatuparan,subalit hindi nagagawa kung kaya di makabangon-bangon sa pangit na imahe nang napakatagal ng panahon.
Hindi naman lahat na pulis ay tamad at tiwali, mas marami pa rin yaong mga nagtatrabaho ng tapat at tumutupad sa tungkuling nakaatang sa kanilang mga balikat bilang maaasahang alagad ng batas.
Pero sa totooo lang, kung may dapat sisihin sa bagsak na kalagayan ng Pambansang Pulisya, ito ay ang mahina, tamad, kunsintidor at tiwaling pamamalakad ng ilang police official, lalo na yaong mga itinatalagang commander sa mga rehiyon, lalawigan, siyudad at munisipalidad sa buong bansa.
Ang dahilan, sa halip na magtrabaho at sundin ang mandato na isinasaad sa batas PNP, ay karamihan sa mga regional commander, provincial director at city/town police chief ay nakikipagkutsabahan sa mga financier/operator ng illegal gambling, oil and petroleum smuggler, mga paihi operator at pinakamatindi ay sa mga drug pusher at iba pang elementong kriminal.
Kung pangungunahan ng sinumang mahihirang na bagong PNP Director General hanggang sa kanyang mga regional at provincial director, mga city/town police chief ay walang dahilan para di masugpo ang nagkalat na vice operation na numero unong sanhi ng tumataas na insidente ng kriminalidad.
Kung bakit hindi nagagawa ng kapulisan ang mandato ay hindi din maaring pasinungalingan maging ni PDGen. Benjamin Acorda Jr. pagkat “open book” o hayag na katotohanan sa lahat ang pangungunsinte ng maraming RD, PD at mga police chief sa operasyon ng droga, gambling, paihi o buriki at iba pang kailigalan, kapalit ng lingguhang lagay o protection money na ibinibigay at isinusuka ng mga vice lord.
Mahirap paniwalaan na makapag-ooperate ang anumang uri ng iligal na pinagkikitaan sa mga rehiyon, lalawigan, siyudad at munisipalidad kung hindi kaalam dito ang ilang mga opisyales ng kapulisan.
Lahat na rehiyon sa bansa ay laganap ang operayon ng mga ilegal, pero kaiba itong Region 4-A o CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) dahil sa mala-kabuteng dami ng mga vices at paihi na tila ligal na negosyong hindi kinakanti at sinusugpo ng mga R4-A cop.
Sa Batangas ang isinusuka at perwisyong operasyon ngunit protektado ng maraming pulis na ala-mini-casino na sugalan na may shabuhan at pugad pa ng prostitusyon ay ang puesto pijo ng isang Glenda sa Brgy. Santiago sa bayan ni Malvar Mayor Crestita Reyes.
May kapareho ding pasugalan si alyas Glenda sa Brgy. Pinagtong-olan sa siyudad ni Mayor Eric Africa. Dahil sa laki ng ipinamumudmod na lingguhang padulas sa kapulisan sa Batangas, NBI, LGU at barangay na kinokolekta naman ng mga “kapustahan” (police tong collector) na sina ex-Sgt. Adlawan at Jeff ay pinag-ugatan na ang mga itong nag-ooperate sa hurisdiksyon nina Batangas PNP Provicial Director Col. Samson Belmonte at police chief nitong sina Capt. Nemecio Calipjo Jr. at LtCol. Rix Villareal.
May paihian o burikian pa ng petroleum product si alias JB na ibinabagsak sa dalampasigan ng Brgy. Salong buhat sa mga barkong dumadaong sa karagatan ng bayan ng Calaca. Ang mga nakaw na diesel at gasolina ay iniimbak naman ni JB sa Poblacion ng naturang bayan.
Tengang kawali lang sa batikos ng mga mamayan at ng mga concerned group si PNP Region 4-A Director PBGen. Paul Kenneth Lucas gayong kung tutuusin ay may malaking pananagutan din ang heneral sa ilalim ng doktrina ng “command responsibility.
Liban sa operasyon ng dalawang pasugalang ito ni Glenda at paihian ni JB ay nag-ooperate din sa Batangas ang “gatasan” ng mga pulis, NBI, LGU at mga barangay official na pergalan (perya at sugalan) sa Brgy. Antipolo del Sur, Lipa City ng isang Jayson Bakla alyas Bakal; Brgy. Sampaguita, Lipa City ni Charles; Brgy. Tugtog, San Jose ni Amy at Brgy. Sto Nino, San Pascual ni Dante.
Sa lalawigan ni Cavite Junvic Remulla ay “unstoppable” ang saklaan ng isang Hero sa mga bayan ng Noveleta, Ternate at Magallanes, ngunit mistulang inutil naman at di umaaksyon laban dito sina Cavite Provincial Director Col. Elieuterio Ricardo Jr.
Sinasala ni alyas Richard ang lahat na intelhencia o lagay mula sa saklaan ni Hero at iba pang operator/ financier ng illegal vices kasama na dito ang nagpapatakbo ng pergalan ng isang alyas Rommel Daing sa Brgy. Maguyam; Mike sa Brgy. Balabad, kapwa sa bayan ng Silang at Tetet sa Brgy. Salawag, Dasma.
Gamit na panakot ni Richard ang mga pangalan nina BGen. Lucas at PD Ricardo Jr. sa kanyang pangingikil sa lahat na mga ilegalista sa naturang probinsya.
Sa nangyayari ito ngayon sa rehiyon, mistulang inutil din si BGen Lucas dahil hindi niya mapatigil ang operasyon ng mga nabanggit na illegal vices at iba pang uri ng kailegalan sa kanyang area of responsibility (AOR). Dapat patunayan nito sa sinumang mapipiling new PNP Chief na mali ang kanyang mga kritiko. May Karugtong.
***
Para sa komento: Cp. No. 09664066144