Advertisers

Advertisers

Bangka sinagasa ng Chinese vessel sa Mindoro: 5 mangingisda nasagip

0 3

Advertisers

NASAGIP ang limang mangingisda nang sagasaan ng isang barko ang sinasakyan nilang bangka sa Paluan, Occidental Mindoro, Martes ng hapon (Disyembre 5).

Ayon sa Philippine Ciast Guard, sakay ng FBCA Ruel J ang mga mangingisda nang banggain ng bulk carrier vessel na may flag ng China.



Agad na umaksyon ang Coast Guard Station (CGS) Occidental Mindoro nang makatanggap ng impormasyon hinggil sa insidente nitong Disyembre 6, at nakipag-ugnayan sa may-ari ng bangka sa Puerto Princesa City, Palawan.

Isinagawa ang rescue operation malapit sa Pandan Island, Sablayan. Hinila ag nawasak na bangka ng mga Fishing Banca Joker, Fishing Banca Precious Heart at Fishing Banca Jaschene.

Ayon sa mga survivor, nasa ‘payao’ ang kanilang bangka nang banggain ng MV Tai Hang 8 at iniwang inaanod habang ang dayuhang sasakyang pandagat ay nagpatuloy sa paglalayag na tila walang nangyari.

Kabilang sa survivors sina Junrey Sardan, Ryan Jay Daus, Bryan Pangatungam, Cristian Arizala, at Joshua Barbas na pawang nakauwi na sa kani-kanilang pamilya.

Nangako ang munisipalidad ng Sablayan at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-Sablayan ng karagdagang tulong upang suportahan ang survivors.



Pinayuhan ng PCG ang fishing banca na maghain ng marine protest.

Tiniyak din ng PCG na ang insidente ay maipaparating sa MV Tai Hang 8 flag state at Port State Control office sa pagsunod sa maritime incident procedures. (Jocelyn Domenden)