Advertisers

Advertisers

JC nawawala sa sarili ‘pag kaharap si Piolo

0 12

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

ISA sa mga dahilan kung bakit tinanggap ni JC Santos ang pelikulang Mallari, ay dahil sa bida rito na si Piolo Pascuàl.  Noon pa kasi ay pangarap nang makatrabaho ni JC si Papa P. At natutuwa  siya na natupad na ang pangarap niyang ito.

Inamin ni JC na kapag si Piolo na raw ang kaeksena niya sa Mallari ay maraming pagkakataon na nakakalimutan niya ang kanyang mga linya.



Sabi ni JC,”He’s the epitome of a walking disciplined guy. Wala akong masabi. Working with him, sa na-experience ko, ako from the theater, I know my lines well, but whenever I’m in front of him, I miss a lot of things.

“He’s a different guy. I mean, lahat ibinibigay niya sa ‘yo. He’s so generous and it works so well whatever he does. Kahit anong gawin niya sa screen. I have so much respect for him as an artist.

“It’s such a privilege to be working with him. And sana suportahan ninyo ang Mallari sa MMFF dahil talagang magugulat kayo sa mga ginawa ni Piolo rito.”

Showing na sa December 25 ang Mallari, na produced ng Mentorque Productions and distrubuted by Warner Bros. Pictures. Kasama rin sa pelikula sina Janella Salvador, Gloria Diaz, Elisse Joson, Mylene Dizon at marami pang iba.

***



SA kanyang Instagram account noong Linggo, December 4, na kanyang kaarawan, ipinost ni  Jessy Mendiola ang kanyang sexy pictorial para sa kanyang ika-31 kaarawan.

Ang tanging caption niya, “31.”

Nagkomento ang asawa ni Jessy na si Luis Manzano. Sabi nito, “I love you, and WOW [heart emoji]”

Maraming celebrities ang pumuri sa kaseksihan ni Jessy at bumati na rin sa kanyang kaarawan. Kabilang dito sina Alexa Ilacad, Iya Villania, Carla Abellana, at Vina Morales.

Pero may isang netizen na hindi nagustuhan ang post ni Jessy. Binash nito ang aktres. Komento  nito,”Dina bagay sayo ganyan may peanut kana.. Masagwa tingnan.”

Ang Peanut na tinutukoy ng netizen ay ang panganay na anak na babae nina Jessy at Luis na si Isabella Rose Tawille Manzano.

Pero binweltahan ni Jessy ang netizen. Sabi niya rito, “so kapag may anak bawal ma maging comfortable sa sariling katawan? Stop mom/parent shaming. it’s because of people like you kaya nahihiya mga ibang nanay maging comfortable at confident sa sarili nila. Just live and let live. Hindi ka naman inaagrabyado.”

Ibinahagi rin ni Jessy ang komento ng netizen sa kanyang Instagram Story.

Sabi niya sa caption, “Just wanted to shere this. Sana matigil na ang ganitong thinking dito sa atin. Asawa ko nga hindi na-offend eh. Ikaw pa kaya?”

“Us moms are allowed to be confident and happy in our own skin. Let us be. We can be comfortable with ourselves and be a mom, too.

 

“Isa lang ang role namin, ang pagiging nanay.

“Sana mas dun tayo sa wag kalimutan din ang sarili natin kahit nanay na.”

Nakita namin ang sexy picture ni Jessy na pinost niya sa kanyang Instagram account. In fairness naman sa kanya ay sexy pa rin siya kahit may anak na siya. At siguro, kaya ganoon pa rin ang kanyang katawan dahil inaalagaan niya ito. Sabi nga niya, huwag kalimutan ang sarili kahit nanay na. So ayun nga ang ginagawa niya, pinananatili niyang sexy pa rin siya, hindi niya hinahayaang tumaba siy